MGA PUERTO, INIHAHANDA SA ‘BER MONTHS’

By: Victor Baldemor Ruiz

Pinaghahandaan na ng Philippine Ports Authority ang pagdagsa ng bulto-bultong shipment at maging mga biyahero sa mga malalaking puerto sa bansa sa pagpasok ng Yuletide season.

Inihayag nn PPA General Manager Jay Santiago na simula sa susunod na buwan ng Oktubre ay inasahan na tataas na naman ang ‘utilization rate’ o paggamit sa mga pantalan, lalo na sa National Capital Region (NCR).


Mula Oktubre hanggang bago mag-Chinese New Year sa susunod na taon, ay tumataas nang mula 91% hanggang 92% ang utilization ng mga importer .

Dahil diyan ay pinapayuhan ni GM Santiago ang mga suppliers na agahan ang booking sa mga shipping line upang hindi na magkasabay-sabay ang bulto-bultong shipment sa mga pantalan bago o sa mismong sa Disyembre.

Maliban sa mga importer, kailangan din aniyang maging maayos ang schedule para sa paglabas sa mga shipment mula sa mga pantalan gamit ang malalaking truck.


Paliwanag pa ng opisyal , madalas itong nagdudulot ng mabigat na trapiko sa mga lansangan sa Metro Manila, lalo na tuwing Christmas season.


Tags: Philippine Ports Authority

You May Also Like

Most Read