NADAKIP sa Philippine National Police- Criminal Investigation Detection Group Regional Field Unit- NCR ang isang nagpapakilalang partisano ng Communist Party of the Philippine-New Peoples Army Special Tactics Faction na siyang responsable sa multi million extortion racket sa mga private schools sa kalakhang Maynila.
Sa report na sinumite ni CIDG-RFU-NCR Director Police Col Randy Silvio kay PNP-CIDG chief, Police Maj. General Eliseo Cruz ay kinilala ang nadakip na nagpapakilalang NPA Special Tactics Faction na si Jake Castro y Dedumo, 26 anyos , isang teacher ng Jesus Cares Christian Academy, at naninirahan sa 153 KCI, Santos Drive, Vergara Compound, Brgy. Zapote, Las Piñas City.
Target naman ng manhunt operation ang isa pang sinasabing kasamahan nito sa extortion activities na bumibiktima ng mga paaralan sa NCR na si Dexter O. Gregorio , 42 , Tax and Legal Manager Sison Corillo Parone & Co., na naninirahan sa San Pedro, Laguna.
Ayon kay General Eliseo Cruz, inilunsad ng grupo ni Col Randy Silvio ang kanilang NCR-CIDG Flagship Project “OPLAN OLEA” and Salikop with Pre-Operational No. 04-22-2022-84-RFUNCR laban sa mga suspek matapos makatangap ng sumbong sa isang private school na hinihinalang pinaka huling biktima ng mga suspek matapos hingan sila ng P 2 million .
Kung hindi umano magbibigay ng hinihinging halaga ay pasasabugin ang paaralan at pagbabarilin ang mga estudyante.
Bandang alas 5:50 ng hapon nitong nakalipas na linggo ay nadakip ang suspek sa #153 KCI, Santos Drive, Vergara Compound, Brgy. Zapote, Las Piñas City matapos na sundan ng mga tauhan ni Col Silvio katuwang ang mga operatiba ng CIDG- RFU NCR (Lead unit ); Southern DFU; DID, MPD; DID, QCPD; DID, SPD; at RID, NCRPO pulis na nagpanggap na Lalamove driver na siyang naghatid ng pera.
Ikinasa ang police operation ng CIDG-RFU-NCR makaraang magsumbong si Maura Merida, Principal ng Sto. Niño Parochial School (SNPS), Ilocos Sur St., Bago Bantay, Quezon City nang makatangap sila ng electronic mail mula sa gmail account ng Special Tactics Faction ng New People’s Army na humihingi ng P 2,000,000.00. “In case the school failed to give said demand, they will bomb and blow the school into pieces and they will shoot the people inside the school without mercy.”
Ayon sa principal hindi nila kaya ang dalawang milyon dahil lubhang Malaki at wala na silang oras para makalikom ng ganung halaga kaya nakiusap itong ibaba na lamang sa P 500,000.00, at pinakiusapan ang suspect na tanggapin na ito.
Dito inilatag ng CIDG RFU NCR ang entrapment operation sa tulong ng LALAMOVE rider na siyang nag-picked up ng pera kay Pat Avendaño (who acted as school staff) sa harapan ng Sto Niño Parochial School sa Ilocos Sur St, Bago Bantay, Quezon City na siyang na-booked ng suspect para maghatid sa Santos Village III, (covered court) Brgy. Zapote, Las Piñas City.
Dito humalili ang isang pulis para umaktong LALAMOVE rider para personal na i-deliver ang pera. Pagsapit sa lugar ay tinawagan na niya ang suspek at ditto ay inutusan ang rider na dalhin ang pera sa No. 153 KCI Santos Drive, Vergara Compound, Brgy. Zapote, Las Piñas City at personal na inabot ang pera.
Nang makita ito ng mga operatiba ay agad na siyang dinamba ng mga pulis at binasahan ng kanyang mga karapatan at kung bakit siya inaresto.
Sa follow up investigation ng RFU-NCR napag alamang sa Consolidated Report mula RID, NCRPO na may 26 schools sa Metro Manila ang nakatanggap din ng mga ganitong pagbabanta at pangingikil .
Ang mga private schools na umano ay nakatanggap ng extortion demand sa kanilang email address mula sa [email protected] ay ang sumusunod:
TAGUIG
1. Chinese International School at Upper McKinley Rd, Taguig, Metro Manila
2. Athen Academy, Inc. at Ballecer, Taguig, Metro Manila
3. Gabby Christian Missionary School, Inc. at Contreras, Lot 4 Block 39, Taguig
PASAY
4. Principal Maria Lourdes Torres of San Isidro Catholic School at 1830 Taft Ave, Pasay
5. Pasay Adventist Church Elementary School at Buendia Ave, 1300 Sen. Gil J. Puyat Ave, Pasay
LAS PINAS
6. Montessori de manila at 73 Pablo Roman, Executive Village, Las Piñas, 1740 Metro Manila
7. Southville International School along J. Aguilar Avenue, Brgy. CAA, Las Piñas Vity
8. Saint Joseph Academy Along Diego Cera Ave., Brgy. Daniel Fajardo, Las Piñas City.
PARANAQUE
9. Ann Arbor Montessori Learning Center – No. 390 El Grande Avenue, Bf Homes, Parañaque City
10. Pennington of Sucat Evangelical Christian Academy Inc. – Brgy. BF Homes, Parañaque City;
11. Academia de San Miguel Arkanghel – Pelaez St., Brgy. San Dionisio, Parañaque City;
12. Great Christian Academy – No. 747 Sun Valley Drive, Brgy. Sun Valley, Parañaque City
13. Nord Angelia International School – Barangay Tambo, Parañaque City;
14. Saint Paul College – Barangay La Huerta, Parañque City;
15. Blessed Adheleid – Daang Batang, Brgy. Moonwalk, Parañaque City;
16. Eurocampos European International School – Switzerland St. corner United Nations St., Brgy. Don Bosco, Parañaque City;
17. The Lycee Francais de Manille – European International School in Better Living, Parañaque City.
MUNTINLUPA
18. Maria Montessori Foundation of Alaban at Caimito Dr, Ayala Alabang, Muntinlupa
19. Saint Bernadette College of Alabang at East Service Rd, S Luzon Expy, Muntinlupa
20. South Mansfiled College at Putatan, Muntinlupa City
MAKATI
21. Knights of the World Christian Academy of Makati, located at 1 Pasteur St. Cor. Edison and Marconi St. Brgy. San Isidro, Makati City.
PASIG
22. Meridian International College at 4th Floor Silver City, Brgy. Ugong, Pasig City.
23. Niño Jesus House of Studies Inc at Mercedez Avenue, Brgy. San Miguel, Pasig City.
24. Victory Christian International School at #339 Robinson Center, Brgy. Oranbo, Pasig City.
MANDALUYONG
25. Lourdes School at Saint Francis Street, Mandaluyong City.
QUEZON CITY
26. Colegio De San Bartolome de Novaliches along Holy Cross Road, Barangay San Bartolome, Novaliches, Quezon City.
27. Achievers Academy of Quezon City at #14 Lower Mustang Street, Fairview, Quezon Ciy.
28. Capitol Hills Christian School Inc. along Filinvest 2 Road, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.
29. Coronado’s School of Quezon City Inc. Along 28 Ambuklao Street, NPC Village, Tandang Sora, Quezon City.
31. Saint Anthony Academy Along 308 Himlayan Road, Barangay Pasong Tamo, Quezon City.
32. Maria Montessori School of Quezon City Along 116 Visayas Avenue, Brgy. Culiat, Quezon City. (VICTOR BALDEMOR)