Mga Pinoy na naapektuhan ng lindol sa Syria, natunton na ng Philippine Embassy

Natunton na ng Philippine Embassy ang mga Pinoy na naapektuhan ng malakas na lindol sa Syria.

Partikular na rito ang mga Pinoy sa Hama at Aleppo na higit na naapektuhan ng lindol kung saan binigyan ang mga ito ng ayuda.


Nabisita rin ng mga tauhan ng embahada ang mga lugar sa Syria kung saan maraming bumagsak na gusali.

Ang naturang team ay bumiyahe mula sa Damascus at sila ay mananatili ng ilang araw kasama ang Filipino community.

Nanindigan naman ang Philippine Embassy na walang Pinoy na nasawi sa lindol sa Syria.


Mahigit 5,000 katao ang namatay sa lindol sa Syria habang mahigit 35,000 naman sa Turkey. (Jantzen Tan)


Tags: Philippine Embassy

You May Also Like