MGA PINOY, HINIMOK NG EMBAHADA NA SUMUNOD SA MGA BAGONG PATAKARAN NG US IMMIGRATION

By: Tony Gildo

Pinapayuhan ng Philippine Embassy ang mga Filipino nationals sa United States na manatiling updated sa mga pagbabago sa mga patakaran at pagsunod sa mga batas ng immigration at visa ng US.


Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga lumalabas na ulat kamakailan ay nagpapakita na ang US Department of State ay nagsimula nang suriin ang mga B1/B2 na business at tourist visa na ibinigay sa mga dayuhang mamamayan na nag-apply para sa asylum sa Estados Unidos, kung saan ang mga pagkansela ng visa ay inaasahang patuloy na isasagawa.

Ang mga Filipino national na may mga concern tungkol sa kanilang katayuan sa immigration ay mariing kumonsulta sa isang kwalipikadong abogadong pang-immigration ng US o isang accredited na tagapagbigay ng legal na serbisyo sa mga indibidwal, para sa payo na angkop sa kanilang sitwasyon.

Pinapaalalahanan din ng Embahada ang Filipino community na ang mga kaso ay tinutukoy ng immigration at mga awtoridad ng US batay sa mga circumstances ng bawat kaso.


Pinapayuhan ang mga Filipino national na nangangailangan ng emergency assistance ng konsulado at mga may concerns na tumawag sa 202 368 2767 o 202-769-8049, o magpadala ng email sa atn@phembassy-us.org.


Tags: Philippine Embassy

You May Also Like

Latest News