Peoples Tonight Online

MGA PANINIRA KAY MAYOR HONEY, PRUWEBANG EPEKTIBO ITO SA KANYANG TRABAHO

By: Bernie Ang

Bigo ang mga kalaban ni Mayor Honey Lacuna sa pag-aakalang madidiskaril nila ito sa kanyang magagandang ginagawa.

Sa gitna kasi ng walang humpay na mga pekeng survey at paninira ay pinaiiral ni Mayor Honey ang hindi pag-aaksaya ng panahon na pansinin ang mga nasa likod nito.


Ibig sabihin, ‘deadma’ lang ito o walang planong patulan ang mga paninira. Sa halip, lalo niyang pinagbubuti ang kanyang paggnap sa mga tungkulin dahil ito ang kanyang mandato at hindi ang bigyan ng hanapbuhay ang mga trolls na binabayaran ng mga kalaban niya sa pulitika para pasasamin siya sa mata ng publiko, lalo na ng mga taga-Maynila.

Kesa nga nga naman pansinin ang mga paninira, mas maigeng ituon ng alkalde ang kanyang lakas at panahon para sa pagpapalawig ng mga serbisyong ibinibigay ng kanyang administrasyon sa mga residente.

Ayon pa kay Mayor Honey, sa halip na pansinin ang mga ‘demolition job’ o mga paninira at gimik ng kalaban ay mananatili na lamang siyang naka-focus sa pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa mga residente ng Maynila at sa pagpapatupad ng mga proyektong kanyang inilatag patungo sa “Magnificent Manila sa 2030.”


Nariyan ang tuloy-tuloy na ‘Kalinga sa Maynila: City Hall on the Go,’ kung saan lahat ng pangunahing serbisyo ng pamahalaang-lungsod ay ibinababa mismo sa mga barangay.

Kasama na riyan ang pagbibigay ng mga ID para sa solo parents, persons with disablity at senior citizens; libreng medical check-up, laboratory examination, pet vaccination at birth certificate concerns.


Nagbibigay din doon ang lokal na gobyerno ng libreng dental extraction/fluoride services, reading glasses, medicines, masahe, haircut at maging TESDA training.

Bukod diyan, wala ring tigil ang ating alkalde, sa pamamagitan ng PESO, sa pagsasagawa ng mga job fair upang mapagkalooban ng trabaho ang mga walang hanapbuhay na residente.


Siyempre pa, tuloy-tuloy din ang pamamahagi ng tulong sa mga nasusunugan at sa mga maysakit na kanser at nagpapa-dialysis at marami pang iba.

Maging ang weekends ng ating mayora ay kanyang ginugugol sa mga ganitong uri ng gawain para sa kapakinabangan ng mga residente ng Maynila, lalo na yaong mga nangangailangan.

Maliwanag na epektibo ang kanyang mga ginagawa. Bakit kanyo? Eh sentro siya ngayon ng kaliwa’t-kanang fake news at fake survey.



Nangangahulugan lamang ito na ang mga kalaban ni Mayor Honey ay walang maipakitang solidong plano at programa para sa mga taga-Maynila at dahil wala silang masabing maganda para sa kanilang sarili, maninira na lang sila.

Iisa lang ang layunin ng mga ito at ‘yan ay ang sirain at siraan siya at ang kanyang pamunuan. Nakakaawa sila.

Sabi nga, kapag ang isang puno ay pinupukol, ibig sabihin ay marami itong bunga.

Tags: bernie ang, vantage point

You May Also Like