MGA PAGAMUTAN MALAPIT SA MT. KANLAON, NAKA-WHITE ALERT

By: JANTZEN ALVIN

NASA Code White alert mngayon ang mga pagamutang malapit sa bulkang Kanlaon.

Ito, ayon sa Department of Health (DOH), ay upang matiyak ang kahandaan ng mga ito sa pagtugon sa anumang health emergency dahil sa pagputok ng naturang bulkan.


Tiniyak ni Health Secretary Teodoro Herbosa na sinimulan na rin ng Center for Health Development (CHD) ng DOH Western Visayas ang pagpapadala ng mga facemasks, safety goggles, hygiene kits, jerry water cans, at disaster relief tents sa mga residenteng apektado ng pagputok ng bulkan.

Mahigpit rin ang paalala ni Herbosa sa mga mamamayan na maging maingat upang makaiwas sa mga problemang pangkalusugan.


Pinayuhan rin niya ang mga ito na makinig sa abiso ng kanilang mga local government officials.

“Since yesterday, the DOH Western Visayas Center for Health Development (CHD) has been sending facemasks, safety goggles, hygiene kits, jerry water cans, and disaster relief tents to affected areas near Kanlaon Volcano. Nearby hospitals have also been placed on Code White. Mag-ingat po tayo, at makinig sa abiso ng ating local government officials,” ani Herbosa.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read