Latest News

Mga OFWs sa Japan, na nawalan ng trabaho dahil sa lindol, pagkakalooban ng tulong ng DMW

By: JANTZEN ALVIN

Tiniyak kahapon ng Department of Migrant Workers (DMW) na pagkakalooban nila ng tulong ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Japan na ang mga trabaho ay naapektuhan ng malakas na lindol na tumama doon noong Bagong Taon.


Ayon kay DMW OIC Hans Leo Cacdac, kabilang sa mga bibigyan nila ng kaukulang tulong pinansiyal ay yaong mga OFWs na nasuspinde ng walang bayad o di kaya ay na-terminate sa trabaho dahil sa lindol.

“For Japan OFWs whose employment has been adversely affected (suspended without pay or terminated) due to the Japan quake, @DMWPHL shall provide financial assistance,” tweet pa nito.

Kinakailangan lamang aniya ng mga ito na kumontak sa kanilang Migrant Workers’ Office sa Osaka, sa pamamagitan ng email na mwo_osaka@dmw.gov.ph at mwoosaka.welfare@gmail.com o di kaya ay tumawag sa MWO Osaka Hotline Numbers na +81 7022756082 at +81 7024474016.


Matatandaang isang 7.6 magnitude na lindol ang tumama sa west coast ng Honshu sa Japan nitong Bagong Taon.

Hinikayat naman ni Cacdac ang mga OFWs na naapektuhan ng lindol na kaagad na kumontak sa DMW-OWWA Japan Help Desk Hotline na 1348 (abroad +632 1348) at DMW-MWO-OWWA Osaka hotline numbers upang mapagkalooban ng kaukulang tulong.


Tags: Department of Migrant Workers (DMW)

You May Also Like

Most Read