MGA OFWS NA ME PROBLEMA SA BALIKBAYAN BOXES, PWEDENG MAGREKLAMO

HINIKAYAT kahapon ng Bureau of Customs (BOC) ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagkaproblema sa mga ipinadalang balikbayan boxes sa Pilipinas na personal na maghain ng reklamo para mapanagot ang mga kompanya na nagpabaya sa pagpapadala nito.

Sa isang pulong balitaan , inihayag ni BOC Spokesperson Arnold dela Torre, Jr., nakipag-ugnayan na sila sa Department of Migrant Workers (DMWs) para bigyan ng babala ang mga OFWs hinggil sa palpak na serbisyo ng mga cargo deliveries kabilang dito ang CMG International Movers, Island Kabayan Express Cargo at Win Balikbayan Cargo.

Bukod ditto ay may koordinasyon na rin umano sila sa Department of Trade and Industry-Fair Trade Enforcement Bureau (DTI-FTEB) para naman mapanagot ang local company na kontak ng mga nabanggit na kompanya, ani Dela Torre.


Dagdag pa ng BOC Spokesman, gumagawa na sila ng hakbang para maabisuhan ang mga OFWs kung ano ang mga dapat gawin para maipadala ng maayos ang mga balikbayan boxes sa tulong na rin ng DMWs.

Iginiit pa ng opisyal na patuloy na pinoproseso ang mga balikbayan boxes para maipadala na agad sa pamilya ng mga OFWs bago mag-Pasko at sa katunayan ay umaabot na umano sa 1,996 abandoned balikbayan boxes ang naipahatid ng BOC.

Panawagan naman ni Dela Torre sa mga pamilya ng OFWs na naghihintay ng balikbayan boxes na sisikapin nila na makarating ang mga padala bago mag-Pasko.

Sa kabuuang bilang, nasa 1,996 unpaid and abandoned balikbayan boxes ang naipamahagi na ng Aduana sa mga intended recipients simula Hulyo, 1 samantalang 667 bagahe ang inihatid habang nasa 329 boxes naman ang kinuha mismo ng mga consignee sa mga designated warehouses.


Nasa 1,450 boxes ang naka-consign sa CMG International Movers and Cargo Services. May 30 remaining boxes ang hindi maihatid dahil sa incomplete information, no confirmation or no response na natanggap mula sa recipients/senders.

Na-process na rin ng Aduana ang nasa 1,154 balikbayan boxes na naka-consign sa Island Kabayan Express at 329 dito ay na-pick up ng recipients sa Portnet Logistics Warehouse sa Sta. Ana, Manila.

May nalalabing 825 boxes ang ipinasa ng BOC sa Door-to-Door Consolidators Association of the Philippines (DDCAP) para sa agarang deliveries.

“As of date, 217 parcels have been successfully delivered, 310 are out for delivery, and 210 are for dispatch,” anang BOC.


“The 16 containers with 4,625 balikbayan boxes consigned to Win Balikbayan Cargo LLC (All Win) are currently under the custody of the Association of Bidders at the Bureau of Customs (ABBC) at Hobart Warehouse in Balagtas, Bulacan. Aligned with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, the Bureau would continuously work to ensure the distribution of balikbayan boxes to the families of OFWs in time for the Christmas Season,’ ani Dela Torre. (VICTOR BALDERMOR RUIZ)

Tags: Bureau of Customs (BOC)

You May Also Like

Most Read