PINARANGALAN nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang mga natatanging Manileño na nakapag-ambag sa pag-unlad ng lungsod sa pamamagitan ng kani-kanilang kakayahan.
Ang parangal ay ipinagkaloob sa mga katangi-tanging indibidwal at negosyo na nakapag-ambag hindi lang sa progreso ng lungsod sa ginanap na “Gawad Manileño 2025” noong June 20, 2025, kaugnay ng pagdiriwang ng ika-454 taong anibersaryo ng ‘Araw ng Maynila’ sa June 24 (Martes).
“Binibigyang halaga natin at pinararangalan ang iba’t-ibang indibidwal at mga samahan na nagpamalas ng galing at husay sa kanilang larangan at nagsilbing mabuting halimbawa at inspirasyon sa ating mga kababayan. Sila ang mga itinuturing nating mga Modelong Manilenyo,” pahayag ni Lacuna patungkol sa isang maiksing mensahe.
Ang mga binigyang parangal bilang Outstanding Taxpayers ay ang mga sumusunod: International Container Terminal Services, Inc., Mercury Drug Corporation, Asian Terminals, Inc., China Harbour Engineering Co., Manila North Harbour Port, Inc., Puregold Price Club, Inc., Sm Prime Holdings, Inc., Philippine Seven Corporation Group and Maynilad Water Services, Inc. at ang Philippine Chinese Charitable Association Inc. na kinatawan ng board chairman na si Antonio Tan Antonio Tan kasama sina Chinese General Hospital President and CEO na si Kelly Sia, Vice President Juanito Ang, Associate Medical Director for Charities and Missions and Eye Center head Dr. George Go, Jr. at Medical Director Dr. Samuel Ang.
Ang mga ginawaran naman ng parangal bilang Outstanding taxpayers para sa real property ay ang Asian Terminal, Inc., Manila North Harbour Port, Inc., International Container Terminal Services, Inc.,
Megaworld Corporation, SM Prime Holdings, Inc., Robinsons Group of Companies, Petron Corporation, San Lazaro Holdings Corporation and SM Synergy Properties, Holding Corp., Philippine Foremost Milling Corp. La Filipina Uy Gongco Corporation and San Miguel Group Of Companies.
Samantala, kinilala naman bilang mga Outstanding Employers dahil na rin sa kanilang pagbibigay ng trabaho sa mga Manileño ay ang Jolly Management Solutions, Inc., Arha Manpower Service, Sanford Marketing Corporation (SM Savemore), Fieldmen Janitorial Services Corporation at Topserve Service Solutions, Inc.
Ang iba pang parangal na ipinagkaloob at ang mga tumanggap ay ang mga sumusunod : Natatanging Manileño sa Larangan ng Kapakanan at Pagpapaunlad Ng Kabataan, Ymari Kristia Pascua; Natatanging Manileño sa Larangan ng Mga Gawaing Pambarangay, PB Rutchie Atienza; Natatanging Manileño sa Larangan ng Mga Isport, Coach Haydee Ong; Natatanging Manileño sa Larangan ng Kultura at Sining, Dr. Michael Charleston “Xiao” Chua; Natatanging Manileño sa Larangan ng Pag-Arte at Pelikula, Eva Darren; Natatanging Manileño sa Larangan ng Mataas na Edukasyon, Dr. Michael Tee; Natatanging Manileño sa Larangan ng Mababang Edukasyon, Amcy Esteban; Natatanging Manileño sa Larangan ng Inobasyon, Agham, At Teknolohiya, Reynaldo Zaragosa Lachica; Natatanging Manileño sa Larangan ng Pampublikong Kalusugan, Dra. Merle D. Sacdalan – Faustino; Natatanging Manileño sa Larangan ng Pagpapatupad Ng Kapayapaan At Kaayusan, Pltcol Cristito Villaruel Acohon; Natatanging Manileño sa Larangan ng Panghukuman, Hon. Tammy Ann Reyes – Mendillo (Presiding Judge RTC Branch 22, Manila); Natatanging Manileño sa Larangan ng Serbisyo ng Pag-Uusig, Prosecutor Lester Jay Alan Flores II; Natatanging Manileño sa Larangan ng Pampubliko At Pribadong Pagsasanay ng Batas, Atty. Kriden F. Balgomera; Gawad Rajah Sulayman, Fatima Hequilan (Justice Jose Abad Santos General Hospital) and Gawad Gat Andres Bonifacio, Ambassador Francis Chua (Association of Philippines-China Understanding APCU).














