Latest News

Mga natalong kandidato, tuma-taktika para maantala ang mga proklamasyon

INAKUSAHAN ni Commission on Elections(Comelec) Commissioner George Garcia ang ilang mga natalong pulitiko na gumagamit ng taktika para maantala ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato.

Ayon kay Garcia target ng Comelec na maiprokla.a ang mga nanaling Senador at partylist ngayon linggo.

“In such areas na hanggang ngayon hindi pa tapos ang canvass, bakit? Monitor niyo may hindi pa tapos ang canvass ng mga provincial, medyo may mga ilang politikong lokal na dine-delay ang canvass, lalo na yung—pasensya na—lalo na yung mga incumbent na na-unseat tapos gumagawa naman ng ibang paraan para lang hindi magkaroon ng proclamation,” ayon kay Garcia sa isang press briefing


Ayon kay Garcia ,kasama umano sa stratehiya ang ganoong sistema partikular na sa lokal na politics.

Nabatid na dahilan rin umano iyon para bumagal ang canvassing ng boto para sa senatorial at partylist race.


“Take note, ‘pag walang proclamation ang isang probinsya, at least sa provincial board, walang mapapadala sa Comelec, dito sa atin,” ani Garcia.

“Dati kasi nung manual kasi yung eleksyon natin, pwede nating ipa-separate yung national, sa canvass ng local e. Pwede nating gawin yun, ngayon kasi, how do you that when you have a computerized election,”dahdag pa ni Garcia.


Ito rin umano ang dahilan kung kaya may mga ambassador na pumupunta sa Comelec para maghatid ng SD card ng CCS (consolidation and canvassing system) dahil hindi sila makapag transmit.

Nabatid na hanggang nitong Miyerkoles ng umaga may 835 siyudad at munisipalidad ang nakapag proklama. (Carl Angelo)

Tags: Commission on Elections(Comelec) Commissioner George Garcia

You May Also Like

Most Read