Tahimik lamang na nagtrabaho si Mayor Honey Lacuna sa loob ng halos tatlong taon para sa mga residente ng Maynila.
Di gaya ng kanyang kalaban sa pulitika na ang style ay mag-ingay lamang sa social media, magpalabas ng mga pekeng survey, manira ng kaliwa’t-kanan at mamudmod ng salapi na hindi natin alam saan galing at kung paano niya planong bawiin, si Mayor Honey ay naging abala sa pagbabayad ng P17.8 bilyong utang na iniwan ni Isko Moreno at pagsisinop ng pondo para maipatupad pa rin ang mga obligasyon ng lungsod na makapagbigay ng mga pangunahing serbisyo sa mamamayang taga-Maynila.
Hindi kailanman ipinangalandakan ni Mayor Honey ang kanyang mga nagawa dahil para sa kanya, tungkulin niya ito bilang alkalde. Sa kabila ng kanyang napakaraming accomplishments, nananatili itong mapagkumbaba at lagi din niyang pinasasalamatan ang kanyang mga kasama sa trabaho na sumusuporta sa ikatatagumpay ng kanyang mga proyekto.
Malayo siya sa kanyang sinundang mayor na lahat ng kredito sa ginawa ng iba ay inaaangkin at laging sarili lang ang bida.
Yaman din lamang at ang pinalalabas ng kalabang kampo ni Mayor Honey ay ‘wala itong nagawa,’ at itong si Mayor Honey ay hindi hambog kagaya ng kanyang kalaban sa pulitika, ako na mismo ang maglalahad ng mga nagawa ni Mayor Honey mula nang maupo ito bilang alkalde ng Maynila.
Sa infrastructure, nariyan ang mga sumusunod: construction ng Kalinga sa Maynila Center, Pharmacy Warehouse, New Guerrero building sa Aurora A. Quezon Elementary School; New V. Mapa High School building ,rehabilitation ng Lagusnilad Underpass; Construction ng Isabelo Delos Reyes Elementary School, Emilio Jacinto Elementary School, Animal Shelter and Clinic at Pet Cemetery and Crematorium sa South Cemetery.
Siyempre pa, dahil si Mayor Honey ay isang doktora, hindi niya pinababayaan ang aspeto ng kalusugan sa pamamagitan ng pagtatag ng Governor Benjamin T. Romualdez Cancer Center, Sta. Ana Hospital Blood Bank, Manila Mental Health Center, libreng dialysis sa Gat Andres, Sta. Ana Hospital, at Ospital ng Maynila; pagkakaroon ng Human milk bank pasteurizer sa Justice Jose Abad Santos General Hospital; pagtatag ng Gat Andres Emergency Room and Infectious Ward; mga bagong transport vehicles para sa lahat ng dialysis hospital ng lungsod; pagtatag ng Passion Dialysis Center Binondo at construction ng Aurora Quezon Health Center, Tayabas Health Center, Pedro Gil Health Center, San Sebastian Health Center at Public Health Laboratory.
Pagdating sa ayuda, bagamat napakalaki ng utang na iniwan ni Isko ay naibibigay ni Mayor Honey ang sumusunod: Senior Citizens Allowances na dating P500 lang pero ngayon ay P1,000 o doblado na; Unang Abuloy na P3,000 kada beneficiary; Financial Assistance sa lahat ng mga may sakit, nasunugan at nasalanta ng kalamidad; pagkakaroon ng regular na People’s Day at pamamahagi ng PWD Allowances kasama na ang mga menor-de-edad.
Sa aspeto ng edukasyon, nariyan ang P2,000 graduation gift sa graduatesng PLM at UDM; mga bagong kurso sa Universidad de Manila at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila; UDM Tondo Annex building; bagong libraries sa Paco at Sta. Cruz at bagong gusali sa mga pampublikong paaralan na may saktong laki at sukat.
Pagdating sa pamamahala, tumanggap ng mga parangal ang administrasyon ni Mayor Honey kasama na ang 2024 Cities and Municipalities Competitive Index (Most Competitive Performance); Gawad Kalasag Seal of Excellence at Seal of Good Local Governance mula sa DILG.
Sa ekonomiya, nariyan ang sumusunod: P21.28 billion city revenue in 2023; Ranked 3rd largest economy in the National Capital Region; Ranked 2nd among Philippines cities in 2023 revenues and surplus report of the Commission on Audit; 775 na pamilya ang nabiyayaan sa Land for the Landless program at pagtutuwid ng baluktot na patakaran sa pabahay mula sa “rent-for-life” ng nakalipas na administrasyon tungo sa mas makataong Rent-To-Own policy.
Maging sa larangan ng turismo ay humakot ng parangal ang Maynila sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Honey gaya ng pagiging World Leading City Destination; Grand slam sa ATOP Pearl Awards para sa Best Religious Festival, “Nazareno” at Philippine Tourism Excellence Awardee for Faith Based Tourism Destination. Naparangalan din ang Maynila sa paglikha ng Barangay Tourism Officer position, Ordinance No. 8976 at pagsasaayos ng La Liga Filipina historic marker.
Sa disaster response, nariyan naman ang construction ng evacuation center sa Baseco at Delpan at ng MDRRMO Command Center.
Sa larangan ng sports, kinilala at binigyan ng cash rewards ng Maynila sina Olympic gold medalist Carlos Yulo at EJ Obiena; dinoble ang incentives para sa Manila athletes sa Palarong Pambansa at nagbigay ng cash incentives para sa 67 Manilan medalists noong Batang Pinoy.
Lahat ng iyan ay nagawa ni Mayor Honey nang hindi kinailangang ilubog sa utang ang mga Manileño o magbenta ng anumang ari-arian ng lungsod at sa kabila ng binabayaran ng lungsod na bilyun-bilyong pisong utang ng nakaraang administrasyon.
Hindi tumitigil sa pasasalamat si Mayor Honey sa mga tumutulong sa kanyang pamamahala at maging sa mga residente mismo ng Maynila.
Kaya naman sa darating na halalan, tapusin na natin ang karera ng mga taong sinungaling, arogante, sakim, makasarili, bolero at magnanakaw sa gobyerno na gusto na namang gamitin ang lungsod para masungkit ang pagka-Presidente ng Pilipinas. Duon tayo sa matino, tapat at totoo dahil ‘yan ang deserve nating mga Manilenyo!!!














