Makakatanggap ng P6 milyon kompensasyon ang mga mangingisda na nakasakay sa isang fishing vessel na binangga ng Chinese boat noong 2019 sa West Philippine Sea.
Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra kung saan ibibigay ito sa may-ari ng FB GEM-Ver.at sa.mga.mangingisda na nakasama sa insidente sa Recto Bank (ReedBank).
“I confirm that there has been a final settlement of the damage claims of the GEM-VER fishermen against the owners of the Chinese vessel,” ayon kayGuevarra.
Magugunita na ang insidente ay naganap noong Hunyo 2019 kung saan lumubog ang FB matapos banggain ng isang Chinese boat sa WPS na naging daan ng pagsasampa ng diplomatic protest laban sa Beijing.
Nabatid na may 22 Pilipinong mangingisda ang nanatili sa karagatan nang mahigit isang oras hanggang sa masagip sila ng isang Vietnamese vessel.
Ayon kay Guevarra, unang humingi ng P12 milyon danyos ang may-ari ng FB at mga mangingisdang tripulante. (Jantzen Tan)