MGA MAGSASAKA TINURUANG GUMAMIT NG AWD STRATEGY

By: Victor Baldemor Ruiz

IPINAGMAMALAKI ng National Irrigation Administration (NIA) na pinataas ng mga magsasaka ang kanilang produksyon ng palay at mais sa kabila ng umiiral na El Niño phenomenon sa bansa sa pamamagitan ng teknolohiya sa pagsasaka gamit ang alternate wetting and drying (AWD) planting strategy kung saan ay ino-optimize sa paggamit ng tubig.

“May lumabas po na PSA (Philippine Statistics Authority) report lately alam na ang sinasabi po nitong production natin nitong El Niño time natin, nitong first quarter ay tumaas po iyong production natin ng palay despite na bumaba na iyong nataniman ng palay,” ani NIA Administrator Eduardo Guillen.


“Hindi lang iyon, pati iyong corn production natin ang laki ng itinaas ano po – mga 5.9 percent kung hindi ako nagkakamali,” pahayag pa ni Adm. Guillen.

Sa isang harvest festival sa Guimba, Nueva Ecija kamakailanay ay sinabi ni Guillen na ang isang magsasaka ay umaani ng hindi bababa sa 12 tonelada ng palay sa bawat ektarya, na nagpapakita ng pagtaas ng ani sa paggamit ng alternate wetting and drying (AWD) planting strategy. Ilang magsasaka pa ang umani diumano ng hanggang 19 metric tons kada ektarya.

Para sa ilan, ang isang 969 metro kuwadrado ng lupa ay gumawa ng 32 cavans ng palay. Ang cavan ay dami ng bigas, palay o mais na inilalagay sa isang sako na tumitimbang ng 50 kilo.


“Makikita ni Presidente itong ginagawa natin dito, eh matutuwa ‘yun. Kita mo ‘to ah, El Niño pa,” pahayag ng isang festival participant .

Sa nasabing sistema ay nagawa ng ahensiya na patubigan ang 99 porsiyento ng mga irigasyon na lugar sa bansa sa simula ng tagtuyot, na nag-iiwan lamang ng isang porsyento na hindi natubigan.


Upang mapakinabangan ang paggamit ng lupa, ang mga magsasaka ay nagtanim ng mga matataas na halaga ng mga pananim tulad ng mais sa non-irrigated tail-end area.

“And, then, ang aming pronouncement noon pa ay itong ating ginagawang alternate wetting and drying technology ay malaking tulong po para mapababa ang… mas marami ang ating mapatubigan kasi nakakatipid tayo ng around 30 percent ng tubig,” pahayag ni Guillen.


“Sa ating karanasan, ito po ay tumataas din ang ani ng ating mga magsasaka sa pamamagitan ng… ito pong AWD technology natin. So, itong report na nga ng PSA na ito ay nagpapatunay po doon sa ating direksyon at iyong tama po ang ating ginagawa at ipagpapatuloy natin iyon, itong sistema na ito,” dagdag pa ni Guillen.

Tags: National Irrigation Administration (NIA)

You May Also Like