Naglabas ng kautusam amg Supreme Court (SC) kung saan hinihikayat ang lahat ng korte at personnel ng hudikatura na iwasan ang paggamit ng ” single-use plastics ” sa kanilang araw-araw na aktibidad at operasyon.
Nakasaad sa Memorandum Order No. 74-2024, na inaatasan ng SC ang mga lower-level courts, gayundin ang mga concessionaires sa court premise, na huwag gumamit ng single-use plastics, na kinabibilangan ng plastic bags, straws, cups, cutlery, plates at food containers, na nakakaambag umano sa environmental degradation, waterway pollution, at nakakasira ng marine life.
Mas mainam umanong alternatibo ang paggamit ng mga sustainable materials gaya ng cloth bags, metal o bamboo straws, reusable cutlery, plates at food containers.
Anang SC, dapat umanong ikunsidera ang hindi pagbili ng single-use plastics na pabor sa reusable o recyclable materials.
Sakaling hindi maiiwasan ang plastic products, kinakailangan umano na ito ay magamit muli o mai-recycle at itapon nang maayos alinsunod sa Ecological Solid Waste Management Act.
Nasa batas umano ang paggamit ng isang systematic, comprehensive at ecological solid waste management program na makatitiyak ng proteksyon ng public health at kapaligiran.
Ang guidelines ay ayon sa inaprubahan ng maraming Local Government Units na ordinasa na nagba-ban sa paggamit ng single -use plastics.