Latest News

Mga kaso ng COVID19 sa PGH, tumataas

By: Philip Reyes

Unti-unti na naman tumataas ang bilang ng kaso na ina-admit sa Philippine General Hospital (PGH).

Ayon kay PGH Spokesman Dr.Jonas Del Rosario ,may 60 pasyente Ang ginagamot Ngayon sa COVID 19 facilities.

“Totoo po na unti-unting tumataas na naman ang bilang ng mga pasyente naming ina-admit sa PGH na may COVID. Last week po, actually less than 10 patients lang po ang aming nasa ospital. Pero ngayon po, as of today, chineck ko po yung census, meron po kaming 60 patients po sa aming ospital,”ayon kay del Rosario.


Sinabi ni Del Rosario na karamihan sa mga pasyente na karamihan sa pasyente ay may comorbidities kung saan ang Ilan ay incidental cases, o pasyente na ini admit sa hospital dahil sa ibang kadahilanan.

“Marami po ay vaccinated pero walang booster. Meron din pong mga unvaccinated,” ani Del Rosario.

Nakahanda na umano ang PGH na mag convert ng hospital beds para maging COVID beds kung maraming pasyente ang darating.

“Mapipilitan po kami na magdagdag po ng ilang beds or kuwarto para sa mga COVID patients kung kinakailangan po,” dagdag pa ni Del Rosario.


Una nang naitala ng Department of Health (DOH),ang pagtaas ng kaso ng COVID19 sa National Capital Region (NCR).

Tags: Philippine General Hospital (PGH)

You May Also Like

Most Read