NILINAW ng Department of Health (DOH) na hindi gawaing terorismo ang pagkakaroon ng mga kaso ng anthrax sa lalawigan ng Cagayan, kungdi isyu ng kalusugan.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na ito ay bunga ng pagkakalantad sa mga infected na hayop at hindi konektado sa anumang pagkilos ng terorismo.
“Anthrax is a bacteria commonly found in soil. It is also a zoonotic disease that is transmitted from animal to human usually via direct skin contact or consumption of contaminated food or drink. You can also be infected through inhalation of its spores,” ayon sa pahayag na inilabas nitong Biyernes.
Kinumpirma din ng DOH na may 26 katao na nagkaroon ng ilang kumplikasyon sa kalusugan matapos makakain ng ng karne mula sa dalawang kalabaw na maysakit , bago pa ito kinatay noong Nobyembre.
“On November 24, 2022, RHU and Municipal Agriculture conducted initial investigation and reported only 7 cases who fit the suspect Anthrax case definition out of the 26 individuals who developed signs and symptoms,” ayon sa DOH.
Ayon pa sa DOH, tatlo pang kalabaw ang nasawi simula Disyembre 7 hanggang 9, habang may 5 pang pinagdududahang mga kaso ng anthrax simula Dis. 9 hanggang 19.
Nasa 12 na ang kabuuang kaso ng hinihinalaang anthrax na iniulat nitong Dis. 22, 2022, kung saan nagpositibo umano sa Bacillus anthracis nang suriin sa pamamagitan ng polymerase chain reaction o PCR, bagamat ang lahat ay gumaling na.
Paalala ng DOH sa publiko, sumunod lamang sa mga safety precaution sa paghawak ng animal products upang makaiwas sa panganib sa kalusugan.
Agad ring magpakonsulta sa doktor sakaling na-expose sa infected na hayup o nakakain ng kontaminadong pagkain o inumin, ayon pa sa DOH. (L. Pimentel)














