Latest News

MGA KASAMAHAN NG NAPATAY NA BRGY CHAIRMAN SA GUN BUY-BUST, HINAHANTING NG CIDG

By: Victor Baldemor Ruiz

TARGET ngayon ng malawakang manhunt operation ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang apat na kasamahan ng barangay chairman na napatay sa ikinasang gun buy- bust operation sa Barangay Upper Itil, sa bayan ng Balabagan Lanao del Sur.

Unang inulat ng PNP-CIDG ang pagkasawi ni Chairman Billy Jack Ogca ng Barangay Poblacion sa bayan ng Balabagan, Lanao del Sur nang makipag-barilan sa mga pulis nitong nakalipas na linggo.

Ayon kay Lt. Col. Ariel Huesca, hepe ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, PNP-CIDG Regional Field unit nakatakas ang apat na kasamahan ni Ogca na pakay ng OPLAN: Omega sa kasagsagan ng palitan ng putok.

Ayon sa report, isinagawa ng mga tauhan ng CIDG- RFU BAR ang operasyon sa harap ng isang gasolinahan dakong ala-1 ng hapon subalit nauwi ito sa engkwentro matapos makatunog ang grupo ng kapitan sa presensya ng mga operatiba sa hindi kalayuan kung saan nagaganap ang kanilang transaksyon.

“At the time of the transaction, however, Ogca’s companion noticed the presence of cops nearby and opened fire, triggering a shootout that wounded the village official,”ani Huesca.

Tinamaan ng bala sa palitan ng putok ang kapitan na isinugod sa Dr. Serapio Montañer Hospital subalit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Nakatakas naman ang limang kasama nito kabilang ang dalawang naka-full military uniform, isang naka-Type B military uniform, ang driver ng kapitan at isa pang sibilyan.

Ayon sa CIDG, tumakbo ang mga ito patungo sa madamong bahagi malapit sa gasoline station, maliban sa naka-Type-B military uniform na pumasok sa isang military detachment sa lugar.

Sa pagsisiyasat ng CIDG, sinabi ng duty personnel ng nasabing detachment, na wala itong namataang indibidwal na pumasok sa kanilang detachment.

Nasamsam ng CIDG RFU BAR sa operasyon ang mga sumusunod: isang puting Toyota Pick-up na may plate number ABQ 9453; isang M14 rifle, dalawang M16 rifles, isang M4 rifle, dalawang .45-caliber pistols, assorted magazines, and ammunition.

Dagdag ng CIDG RFU BAR, nakuha mula sa barangay kapitan ang isang unit caliber 45 pistol Armscor magazine at mga bala.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung lehitimong mga sundalo ang mga na nakatakas na mga suspek.

Tags:

You May Also Like

Most Read