Mga kandidato, pinaalalahanan sa SOCE

PINAALALAHANAN ng Commission on Election(Comelec), ang lahat ng kandidato sa natapos na May 9 election n magsumite ng Statement of Contribution and Expenditure(SOCE).

Sinabi ni Comelec OIC spokesman John Rex Laudiangco na kahit pa ang mga kandidato na nagwithraw sa panahon ng kampanya ay dapat pa rin magsumite ng SOCE sa itinakdang deadline sa Hunyo 9,isang buwan matapos ang halalan.


Ayon kay Laudiangco, maaring makulong kapag 2 beses na hindi nagsumitr ng SOCE sa Comelec ang isang kandidato o kaya ay habambuhay na madiskuwalipika na tumakbo sa halalan.

“Huwag ninying doktorin ang SOCE ninyo dahil puwede kayong kasuhan ng perjury.Ito ay election offense at maari kayong makasuhan at makulong,”paalala pa ni Laudiangco.

Sinabi ni Laudiangco,hindi lamang ang mga kandidatong nanalo ang dapat na magsumite ng SOCE kundi lahat ng kandidato maging ito man ay natalo.


Ayon sa RA7166 ,ang isang kandidato sa national ay pinaoayagan na gumastos ng P10. kada botante habang sa lokal na posisyon ang kandidato na independent ay pinapayagan gumastos ng hanggang P5. sa kada botante habang ang kandidato na may political party ay P3. kada botante. (Jantzen Tan)


Tags: Commission on Election(Comelec)

You May Also Like