Si. Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Mayor Honey Lacuna. (JERRY S. TAN)

Mga kalsada sa Maynila, isasara para sa “Buling-buling” at “Lakbayaw 2023”

Simula alas- 6 ng umaga sa araw ng Sabado, January 14, ,ilang kalye sa Pandacan at Tondo ang isasara sa motorista para sa pagdiriwang ng Pista ng Sto Niño..

Ayon kay Atty.Princess.Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna at head of communication, kabilang sa apektado ang kahabaan ng Jesus St. mula Quirino Ave. hanggang Palumpong St.; Kahabaan ng Palumpong St. mula Jesus St. hanggang Beata St.; Kahabaan ng Beata St. mula Jesus St. hanggang T. Claudio St.; Kahabaan ng E. Zamora St. mula Quirino Ave. hanggang Hilium St.; at Kahabaan ng ML. Carreon St. mula T. Claudio St. hanggang Pedro Gil St.,Maynila.


Pinayuhan ang mga mitorista na gumamit pansamantala ng alternatibong ruta, kung saan ang mga sasakyan na dapat ay dadaan sa Jesus St. na magmumula sa Nagtahan Bridge, ay dumiretso na lang sa Pres, Quirino Ave. patungo sa destinasyon habang ang mga manggagaling naman sa Pres. Quirino na gagamit sana kahabaan ng E. Zamora St. ay dapat dumiretso na lamang sa Mabini Bridge o kumaliwa sa Guazon St, patungo sa destinasyon.

Ang mga sasakyan naman na magmumula naman sa Paco-Sta Mesa Bridge Interlink na dadaan sana sa Beata St, patungo Palumpong ay pinayuhan na dumiretso na lang sa Pres. Quirino Ave. patungo sa destinasyon.

Kaugnay nito , dahil din sa gaganaping “Lakbayaw 2023” para sa selebrasyon pa rin ng Pista ng Sto. Niño de Tondo, ay isasara na ang ilang kalye simula alas 12:01 ng madaling araw para bigyan-daan ang ang motorcade event.


Mula Enero 14-15 o Sabado at Linggo ay kabilang sa apektado ang ?Kahabaan ng N. Zamora St. mula Moriones St. hanggang Chacon St.; kahabaan ng Sta. Maria St. mula Moriones St. hanggang Morga St.; Kahabaan ng J. Nolasco St. mula Morga St. hanggang N. Zamora St.; ?Kahabaan ng Morga St. mula Asuncion St. hanggang Juan Luna St.; ?Kahabaan ng Ortega St. mula Asuncion St. hanggang Soliman St.; ?Kahabaan ng Lakandula St. mula Asuncion St. hanggang llaya St.; kahabaan ng llaya St. mula Lakandutla St. hanggang CM. Recto Ave.; kahabaan ng Chacon St. mula Cano St. hanggang N. Zamora St.; Kahabaan ng Soliman St. mula Morga St. hanggang Ortega St. / N.Zamora St.

Maari umanong dumaan ang ang mga motoristang dadaan sa J. Nolasco patungong Simbahan ng Sto. Niño na kumanan sa Morga St diretso sa Tuazon St patungo sa Wagas St., o kumaliwa sa Asuncion St CM Recto patungo sa sa destinasyon.


Ang mga motorista naman na manggagaling sa Pritil na sa halip na sa Zamora ay kumaliwa sa Moriones St, Juan Luna patungo sa destinasyon at ang magmumula sa CM Recto/Asuncion St ay maaring kumaliwa sa Lakandula St patungo sa destinasyon. (JERRY S. TAN)


Tags: Atty. Princess Abante

You May Also Like