MGA JOB ORDER SA PAGCOR, DI KINUKUNSIDERANG GOVT. EMPLOYEES

By: Baby Cuevas

Ang mga contract of services o job order workers na kinuha ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay hindi ikinukunsidera na mga government employees sa ilalim ng Civil Service Commission’s (CSC).

Ayon sa desisyong isinulat ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, ng Supreme Court First Division, ang mga grupo ng Manggagawa na nagtatrabaho sa hotel at restaurant business ng PAGCOR na pawang contract of services at job order workers ay hindi mga empleyado ng gobyerno na sakop ng Civil Service law, rules at regulations.


Ang PAGCOR umano ay isang government-owned o controlled corporation na nasa ilalim ng Presidential Decree No. 1869, na inamiyendahan sa Republic Act No. 9487, o PAGCOR Charter.

Ang paglilinaw ay ginawa ng SC matapos na maghain ang mga empleyado ng PAGCOR, sa pangunguna ni Mark Abadilla, ng kasong illegal dismissal sa CSC Regional Office (CSCRO-VI), dahil sila umano ay mga regular na empleyado at dapat na may security of tenure.

Ang kaso ay ibinasura ng CSCRO-VI dahil sa kawalan ng hurisdiksyon at matapos malaman na sila ay job order at may nilagdaang kontrata sa PAGCOR bilang mga cook, waiter, purchaser, pantry aide, food attendant, steward, dishwasher, kitchen supervisor at busboy,


Sa kabila na ang kaso ay ibinasura ng CSCRO-VI, iniapela ito sa CSC at habang nakabinbun ang kaso ay tinapos na ng PAGCOR ang serbisyo nina Abadilla.

Iniakyat nina Abadilla sa Court of Appeals (CA) ang kaso pero ibinasura rin ito ng CA.


Pinagtibay naman ng SC ang desisyon ng CA matapos sabihin na hindi ikinukunsidera na empleyado ng gobyerno sina Abadilla.

Ang mga naturang empleyado ay hindi nagtatamasa ng mga benepisyo ng isang empleyado ng gobyerno.


Tags: Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)

You May Also Like

Most Read