Latest News

MGA ILAW SA COMELEC, PAPALITAN DAHIL NAKULAYAN PULITIKA

PAPALITAN na umano ang mga ilaw sa gusali ng Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila, kung saan matatagpuan ang punong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec), matapos na ito ay makulayan ng pulitika.

Nilinaw ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang Palacio del Gobernador ay hindi pagma-may-ari ng Comelec at nagrerenta lamang sila dito.
Nauna rito, may ilang indibidwal ang pumansin sa kulay pula at berdeng ilaw sa harapang bahagi ng gusali.

Ang mga nabanggit na kulay ay ang ginagamit na campaign colors nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng kanyang running mate na si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

Ipinaliwanag naman ni Jimenez, na walang kinalaman ang Comelec sa naturang kulay at nagrerenta lamang sila sa gusali.

“Palacio del Gobernador is not a Comelec building, nagrerenta lang po kami dito. Pero [the concern] has been brought to our attention by a netizen and we felt that’s something we could do right away. So nakikipag-coordinate po kami sa Intramuros administration and I think they have consent to changing the lights. It’s nothing,” ani Jimenez.

Hindi naman umano batid ni Jimenez kung anong kulay ang ipapalit sa mga naturang ilaw.

Tags:

You May Also Like

Most Read