Latest News

MGA IKINASAL NI BAMBAN EX-MAYOR ALICE GUO, VALID PA DIN

By: Victor Baldemor Ruiz

BAKA balewala ang kasal .

Ito ang pinangangambahan ng mga mag-asawang ikinasal ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo na naharap ngayon sa patong- patong na kaso kabilang ang pagiging iligal umano nitong alkalde ng bayan dahil sa hindi nito pagiging Pilipino.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government ang mga kasal na solemnized ni Ex Bamban Mayor Alice Guo ay hindi kinakailangan na mawalan ng isa sakaling mapatunayan na imbalido ang ang kanyang proof of Filipino citizenship.

Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, “the Family Code provides that if either or both parties in marriage believe in “good faith” that the solemnizing officer had legal authority to do so, it falls under the exceptions to marriages that shall be void from the beginning.”

“So kung ikaw ay in good faith, naniwala ka na si Alice Guo ay talagang may awtoridad na magkasal, I guess karamihan sa kanila ay ganoon ang tingin, dahil mayor nga naman siya, you could make use of this article,” paliwanag ni Abalos.

Magugunitang ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang pagsibak kay Guo sa kanyang tungkulin nitong nakalipas na buwan ng Agosto matapos na napatunayang “guilty of grave misconduct” ang nasabing mayor.

Lumutang ang isyu sa ginanap na plenary debates hinggil sa panukalang 2025 budget ng National Economic and Development Authority kamakalawa nang tanungin ng isang kongresista ang Philippine Statistics Authority kung ano ang mangyayari sa mga ikinasal ni Guo sa oras na mapatunayang hndi balido ang kanyang Filipino citizenship.

“Sa mga kaso na napatunayan po natin na fake ang birth certificate ng isang tao, for example in the case of Mayor Alice Guo, let’s say nagkaroon ng final finding and ruling ang korte na peke nga ang kanyang birth certificate at hindi siya isang Pilipino, matatandaan po natin na naging mayor po siya and isa sa mga kapangyarihan ng mayor ay ang pag-solemnize ng mga marriages… Ano po ‘yung epekto nito sa mga marriages na isinolemnize niya? Kasi nakalagay po sa ating batas na kung walang authority to solemnize ang isang solemnizing officer sa isang kasal void po ang kasal. So ang ibig sabihin po nito magiging void na rin po ba lahat ng mga Pilipinong ikinasal niya?” tanong ni 4PS Party List Representative JC Abalos.

“Sa ngayon they are in the process of canceling itong birth certificate ni Alice Guo. As soon as that is approved by the court ay pabalikan po lahat po ng marriages solemnized by Alice Guo. Tugon naman ni House Committee on Appropriations Senior Vice Chairperson and NEDA’s budget sponsor at the lower chamber Rep. Stella Quimbo . nasa records naman po lahat ‘yun,” aniya.

Aminado naman si Solicitor- General Menardo Guevarra, na siyang nagpasimula ng quo warranto proceedings laban kay Guo, na masalimuot ang nasabing isyu para sa mga mag-asawang ikinasal ni Guo.

“If Guo is ousted because she was ineligible, it’s as if she never became mayor, her acts as such are technically invalid,” aniya.

“But if other parties acted in good faith upon the honest belief that Guo had legal authority, the doctrine of ‘operative fact’ may find applicability and legal effects may be recognized,” paliwanag pa nito.

Ayon naman kay Department of Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty: “Yung mga kinasal ni Alice Guo nung panahon na mayor pa siya, tingin namin, pwede silang umasa sa doctrine of operative fact. Ang ibig sabihin ng doktrina na ito ay, kung halimbawa na walang visa ang poder ng isang public official, kung yung panahon na may ginawa siya, may poder siya, may authority siya, may bisa itong mga ito, hiwalay ang authority hiwalay ang effect.”

Tags:

You May Also Like

Most Read