Latest News

Mga guro sa public ‘di sapat sahod – survey

Lumitaw sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na kalahati ng mga Pilipino ang naniniwalang underpaid o hindi nababayaran nang sapat ang mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Para kay Senador Win Gatchalian, ipinapakita nito na mahalagang maipasa ang panukalang itaas ang suweldo ng mga public school teachers, ang una sa listahan ng kanyang mga prayoridad na panukalang batas sa 19th Congress.


Ayon sa resulta ng survey na isinagawa noong June 24-27 at kinumisyon ni Gatchalian, kalahati (50%) ng mga kalahok sa survey ang naniniwalang underpaid ang mga public school teachers.

Nasa 37% ang naniniwalang sapat ang kanilang sahod, samantalang 3% lamang ang naniniwalang sila ay overpaid o sobra pa ang sinasahod.

10% naman ang nagsasabing hindi nila matukoy kung kulang, sapat o sobra ang sahod ng mga guro. May 1,200 mga kalahok sa survey na kinomisyon.


Mahigit kalahati sa mga nasa Classes ABC (57%) at E (53%) ang naniniwalang hindi sapat ang sahod ng mga guro. Halos kalahati naman (48%) ng mga nasa Class D ang naniniwalang hindi sapat ang sahod ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.


Tags: Pulse Asia

You May Also Like