Pinaghihigpit ng Manila Police District(MPD) sa kanilang seguridad ang mga establisimiyento sa Maynila,kasunod ng pag-iwan ng isang bag na pinagmukhang “bomba” ang laman ,kamakalawa ng hapon sa gilid ng isang ATM machine ng PNB Bank sa Binondo,Maynila.
Isang tawag umano ang tinanggap ng MPD -Explosive Ordnance Disposal unit alas 2:50 ng hapon kaugnay sa iniwang backpack.
Inilarawan ang suspek nakasuot ng puting tshirt, itim na sumbrero , maong na pantalon at nakasuot ng facemask kaya hindi matiyak ang pagkakilanlan.
Ginamitan ng EOD ng water disruptor, binomba ng tubig pati laman nito at nakumpirma ng EOD na walang lamang bomba o kahit anong maaaring sumabog ang bag.
Sinabi ni MPD Spokesperson Police Major Philipp Ines na pinagmukha lamang na bomba ang laman ng bag na pawang mga kable ng kuryente at cardboard.
Tinitingnan ng MPD ang motibo sa pag-iwan ng nasabing bag. (Carl Angelo)