ANG lokal na pamahalaan ng Maynila ay tumatanggap ng mga donasyon na may pag-eendoso ng mga lehitimong organisasyon na kilala at iginagalang sa bansa.
Ang pahayag ay isinagawa ni Manila City Administrator Bernardito C. Ang bilang reaksiyon sa ulat ng isang news wire agency na ang Manila Police District (MPD) ay tumanggap ng mga motorbikes mula sa taong hinihinalang espiya ng China at inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakailan. Ang akusasyon ay mariin naman nang pinabulaanan ng Beijing government.
Ayon kay Ang, “Anybody or any organization that wants to donate is acceptable to the city government, most especially if they are coursed through reputable organizations like the Chinese federation. Most Chinese organizations course through their donations to the federation and it is not for us to confirm or vet when the federation already says everything is in order whenever they donate.”
“If indeed there is anything suspicious about any donors, it is the job of the Interpol to inform us through the concerned agencies if there is any red notice or whatever that we should be wary about,” dagdag pa niya.
Pagbibigay-diin pa niya: “Imagine, if the motorcycles were donated to the police, then the police should have known.”
Sinabi naman ni Atty. Princess Abante, head of communications ng pamahalalaang-lokal ay tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, na ang mga donated motorcycles sa MPD ay binubuo ng siyam na 2016 models at isang 2015 model ng Sinski motorcycle, na nagkakahalaga ng P14,500.00 bawat isa o may kabuuang P145,000.
“The motorcycles were registered with the LTO by them (donors) before the turnover. The Office of the Mayor did not receive cash donations from them. Only the motorcycles for the MPD,” pahayag pa ni Abante.