Latest News

BI Commissioner Norman Tansingco warned foreign national against saying bomb jokes at the NAIA. (JERRY S. TAN)

MGA DAYUHAN, BINALAAN NI TANSINGCO

By: Jerry S. Tan

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga foreign nationals sa bansa laban sa pagbibitiw ng bomb jokes sa mga paliparan upang makaiwas sa deportasyon o denial of entry sa Pilipinas.

Kasunod na rin ito ng isang insidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, kung saan isang bomb threat ang natanggap ng mga awtoridad laban sa Philippine Airlines (PAL) flight PR412 na patungo sanang Japan, na nagresulta sa limang oras na pagkaantala ng biyahe nito.

Kaagad namang pinababa ng mga awtoridad ang mga pasahero at isinailalim ang eroplano sa security checks.


Nang matiyak na peke lamang ang bomb threat ay saka lamang pinayagang makabiyahe ang eroplano.

“Bomb jokes or any comments referencing explosives are not taken lightly, especially in sensitive environments like airports. Such actions can be construed as threats and may lead to exclusion or deportation if foreign nationals are involved,” ayon naman kay BI Commissioner Norman Tansingco, sa isang pahayag.

“We urge all foreign nationals to exercise caution and refrain from making any statements or jokes that could be deemed as threats to security,” dagdag pa ni Tansingco.

“Our country remains hospitable for foreigners, but for only those who follow our laws,” ani Tansingco.


Ani Tansingco, obligasyon ng mga dayuhang tumalima sa Philippine laws and regulations habang sila ay nasa bansa upang makaiwas sa anumang parusa sakaling sila ay lumabag.

Tags: Bureau of Immigration (BI)

You May Also Like

Most Read