By: Tony Gildo
Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs – Office of Consular Affairs (DFA-OCA) sa publiko ang pansamantalang pagsasara ng OCA-Aseana, Double Dragon Releasing Units, gayundin ang Consular Offices (COs) nationwide sa Lunes, 31 August 2026, bilang paggunita ng National Heroes’ Day alinsunod sa Proklamasyon 1006 na inilabas ng Office of the President.
Ang mga aplikante na nangangailangan ng Emergency o agarang serbisyo ng konsulado ay maaaring makipag-ugnayan sa DFA OCA Aseana https://consular.dfa.gov.ph.
Muling magpapatuloy ang mga operasyon ng konsulado sa Martes, 01 Setyembre 2026.














