MGA BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING NA-RESCUE SA TAWI-TAWI

Walong katao na sinasabing pawang biktima ng human trafficking ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Navy bago pa madala sa Malaysia .

Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command, Vice Admiral Toribio Adaci nasabat ng Naval Task Group- Tawi-Tawi (NTG-TT), na nasa ilalim ng pamumuno ng Naval Forces Western Mindanao ang MV Trisha Kerstin II sa Port of Bongao, Tawi-Tawi bago pa makapaglayag papuntang Sabah, Malaysia,

Dito nila nasagip ang walong (8) victims of Trafficking in Person (TIP), na binubuo ng apat na lalaki at apat na babae kasunod ng ikinasang Joint Law Enforcement Operation sa Port of Bongao.


Lumilitaw sa initial investigation, na nanggaling ang mga biktima sa Zamboanga City sakay ng MV Trisha Kerstin II, saka naglayag papuntang Tawi-Tawi bago tutuloy sa Sandakan, sa Sabah nang walang kaukulang dokumento mula POEA o iba pang ahensya ng gobyerno.

Matapos ang isinagawang verification and profiling ay kinilala ang walong biktima na sina; Junrel Malco Seincio, 33 years old, ng Talon-Talon Loop, Zamboanga City; Majid Binuddin Jailani, 35 ng Cabbunan, Sibuco, Zamboanga del Norte; Assan Bahaya Manamat, 27 years ng Nasa, Camarangan, Sibuco, Zamboanga del Norte; at Melvin Maribao Garuda, 49 ng Nawasa Nopulan, Pagadian City;


Lilibeth Padayao Bermudez, 45 residentE Dimatalang, Zamboanga del Sur; Pilar Fernandez Labasantos, 29 anyos ng Talon-Talon Loop, Zamboanga City; Wina Binuddin Jailani, 25, ng Cabbunan, Sibuco, Zamboanga del Norte; at Jovelyn Redoblado, 32 taong gulang ng Mahayag Lumbia, Ipil, Zamboanga Sibugay.

Gad na dina ang m,ga ansahgip sa Regional Maritime Unit-BAR, Tawi-Tawi Maritime Police Station para sa documentation at profiling bago ibinigay sa pangangalaga ng Ministry of Social Welfare and Development Office (MSWDO) Bongao for counseling and proper disposition. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: Navy Flag Officer in Command, Vice Admiral Toribio Adaci

You May Also Like

Most Read