PINAPURIHAN ng United States ang katapangan ng mga sundalo na nagbuwis ng kanilang buhay para mapalaya ang Maynila sa kuko ng mga mananakop na karamihan ay nakahimlay ngayon sa Manila American Cemetery and Memorials sa Lungsod ng Taguig.
“The hallowed grounds of the Manila American Cemetery and Memorial remind us of the extraordinary sacrifices made by so many during one of the most harrowing chapters of our nations’ shared history., ani US Ambassador to Philippine MaryKay Carlson.
Ang Manila American Cemetery ang huling hantungan ng higit sa 17,000 miyembro ng American serviceman at memorial sa halos 36,300 indibidwal na nawawala sa labanan.
“On behalf of the United States, I extend my deepest gratitude to the people of the Philippines for your friendship and commitment to our Alliance. Together, let us strive to preserve the legacy of those who fought and suffered here by working toward a future defined by peace and the shared values of democracy and freedom,” pahayag ni Ambassador Carlson kaugnay sa paggunita ng ika-80 taon ng Battle of Manila.
Ang nakapanlulumong idinulot ng giyera ay hindi lamang umano pinasan ng mga Amerikano at mga Pilipino kaya dapat lamang na parangalan din ang lahat ng mga lumaban, naghirap at nasawi sa digmaan para makamtan lamang ng mga susunod na henerasyon ang diwa ng kapayapaan.
“Our shared experience fighting side by side 80 years ago continues to provide meaning and focus for the modern U.S.-Philippine Alliance. Our bilateral ties are stronger than ever as we work together today to address shared challenges ranging from maritime security and disaster response to complex 21st century concerns such as those we encounter in the space and cyber domains,” pahayag pa ni Carlson.
Kasama si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ay pinangunahan nila ang paggunita ng ika-80 anibersaryo ng kalayaan ng Maynila kasama rin ang mga kinatawan mula sa pamahalaan ng Estados Unidos, mga kilalang personalidad mula sa Pilipinas at mga beterano ng World War II upang parangalan ang mga nagbuwis ng buhay sa isa sa mga pinakamatinding labanan sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ang “Battle in Manila” noong Pebrero 1945 ay nag-iwan ng marka ng pagtatapos ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas ngunit nagdulot ng matinding pinsala. Sa August 15, 2025 ay gugunitain naman ng Japan ang 80th commemoration ng pormal nilang pagsuko sa US matapos dalawang ulit silang bagsakan ng atomic bomb sa Hiroshima at Nagasaki.














