MGA BARIL AT DROGA HULI SA LAW ENFORCEMENT OPERATION

By: Victor Baldemor Ruiz

ISANG lalaki ang nahulihan ng magkakaibang klase ng baril at bala bukod pa sa iligal na droga matapos ang isinagawang law enforcement operation kahapon ng umaga sa Sitio Villa, Brgy. San Juan, Tiaong Quezon.

Ayon sa ulat ni Quezon Police Provincial Office, Provincial Director, PCOL Ledon D Monte, kinilala ang naarestong suspek na si Israel De Vero Villegas, 37 taong gulang, at residente ng Sitio Villa, Brgy. San Juan, Tiaong, Quezon.

Sa inilatag na operasyon ng mga operatiba ng Tiaong PNP, nakumpiska sa posesyon ni Villegas ang isang yunit ng caliber 9mm pistol (1911) loaded with (6) live ammunitions, (1) yunit ng improvised shotgun, at (5) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihilang shabu na may humigit-kumulang na timbang 2.8 gramo .


Pansamantalang inilgay sa kustodiya ng Tiaong Municipal Police Station ang suspek kaugnay sa kinakailangag proseso sa paglilitis sa magkapatong na kasong kanyang kinakaharap dahil sa paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022).

“Patuloy tayong naglalatag ng malawakang peace and order operations bilang preventive measures at sa pinaigting na paghahanda natin sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023. Ang ating pakikipag-ugnayan sa pamayanan ay susi upang sugpuin ang anumang banta sa ating komunidad ng mga taong lumalabag sa batas.” Ani ni PCOL Monte.

Tags: Quezon Police Provincial Office

You May Also Like

Most Read