Nawalan ng bahay ang may 20 pamilya nakatira sa ilalim ng tulay matapos na magkasunog kahapon ng madaling araw sa may Osmeña Highway, Malate, Maynila.
Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP) nagsimula ang sunog alaa 3:48 ng madaling araw na umabot sa unang alarma at idineklarang Fire out alas 8:01 ng umaga.
Wala naman iniulat na nasaktan o nasawi sa nasabing sunog na mabilia kumalat dahil ang mga bahay na utinayo ay pawang yari sa light materials.
Patuloy naman inaalam ng Arson ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian.














