MGA BAHAY NI CONG. TEVES , SINALAKAY NA; DND-AFP, NAGTATAG NG ELITE FORCE SA NEGROS

KASABAY ng ginawang deployment ng Armed Forces of the Philippine elite Light Reaction Company sa Negros Oriental ay sinalakay naman ng mga awtoridad ang ilang bahay ni Congressman Arnulfo Teves.

Sa ginanap na pulong-balitaan kahapon sa Department of National Defense ay kinumpirma ni DND Officer In-Charge Senior Under Secretary Carlito Galvez, na may 50 man Light Reaction Team mula Cotabato na pawang Marawi Siege veterans ang dineploy sa lalawigan ng Negros Oriental.

Bukod pa rito ang pagbuo ng Joint Special Task Force na binubuo ng two brigade and six battalions na layuning hanapin ang mga nalalabing suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa nung Sabado,


Kinumpirma rin ni AFP chief of Staff General Andres Centino na inalerto nila ang anim na battalion mula sa Negros Oriental at Occidental para sa mabilis na mobilisasyon sakaling may biglaang pangangailangan.

“The president has ordered the creation of a joint task force in order to supress all forms of lawless violence and restore peace and order in negros island as soon as possible. this joint task force Negros shall be composed of AFP units based in the area and augmented by troops from outside of Negros, pahayag ni Gen Centino.

Paliwanag ni Sec. Galvez, inutusan siya ni Pangulong Ferdinand Bongbong R. Marcos, Jr. na ibalik ang normalcy sa lalawigan , tiyakin na ang peace and order upang makampante ang taong bayan at dakpin ang mga nalalabing suspek sa Degamo slay case.

“…this is to inform you that the president, president Ferdinand R Marcos Jr gave his instruction to me last night to supress the criminal activities and impunity in the entire island of Negros and to give justice to the families and loved ones of those who were slain in the assassination of Gov Roel Degamo and restore normalcy and confidence of our people,” ani Sec Galvez.


Kahapon AY armado ng limang search warrant nang sinalakay ng mga awtoridad sa pangunguna ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang ilang bahay ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnulfo Teves Jr. sa Barangay Malabugas, Bayawan City at resort sa bayan ng Basay.

Magugunitang una nang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na lahat ng personalidad na dapat imbestigahan ay kanilang sisiyasatin at hindi ligtas sa sinasagawang pagsisiyasat si Teves kaugnay sa pagpatay kay Degamo na kanyang political rival.

Sa inisyal na ulat , sa isang bahay na pinasok ng mga awtoridad ay nakumpiska ng PNP-CIDG ang mga baril, bala at pampasabog.

Ayon kay CIDG Director Police BGen. Romeo Caramat, sa isinagawang raid sa mga bahay ni Teves sa Brgy. Poblacion, Basay sa Negros Oriental at nakuha ng mga pulis ang sumusunod: 1 hand grenade; 1 kalibre 45 na baril at magazine nito na may mga bala;• 2 calibre 40 na baril at magazine nito na may mga bala at 1 rifle scope.


Nabatid na may lisensya naman ang mga baril pero kanila pa itong bineberipika, dahil kwestyunable umano ang mga dokumento ng mga baril ni Teves na sinumite sa Firearms and Explosives Office. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Armed Forces of the Philippine

You May Also Like

Most Read