Latest News

Mga bagong kaso ng COVID-19 mula Sept. 12-18 lang, umabot ng 14,707

Iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ang Pilipinas ng 14,707 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula Setyembre 12 hanggang 18, 2022 lamang.

Sa National COVID-19 case bulletin na inilabas ng DOH nitong Lunes, nabatid na ang naturang bilang ay katumbas ng daily average new cases na 2,101.

Anang DOH, mas mababa ito ng 4% kumpara sa mga naitalang kaso noong Setyembre 5 hanggang 11


“Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 2,101, mas mababa ng 4 percent, kung ikukumpara sa mga kaso noong Setyembre 5 hanggang 11,” saad ng DOH.

Nabatid na mga bagong kaso, pito ang may malubha at kritikal na karamdaman.


Samantala, mayroon namang naitalang 248 na pumanaw dahil sa sakit.

“Of the 248 deaths, 36 occurred in September 2022, 14 in August 2022, 2 in July 2022, 22 in June 2022, 28 in May 2022, 2 in March 2022, 6 in February 2022, 16 in January 2022, 1 in December 2021, 7 in November 2021, 72 in October 2021, 14 in September 2021, 8 in August 2021, 3 in June 2021, 2 in May 2021, 4 in April 2021, 4 in March 2021, 3 in February 2021, 1 in January 2021, 1 in November 2020, and 2 in July 2020,” ayon pa sa DOH.


Sinabi pa ng ahensiya na noong Setyembre 18, 2022, mayroong 772 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.

Sa 2,638 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, nasa 637 (24.1%) ang okupado habang nasa 28.9% naman ng 21,150 non-ICU COVID-19 beds ang kasalukuyan ding ginagamit.

Sinabi ng DOH na mahigit sa 72 milyong indibidwal o 93.34% ng target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 18 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Sa kabilang banda, 6.8 milyong senior citizens o 78.23% ng target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Kaugnay nito, pinapaalalalahan ng DOH ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

Bagkus, dapat anilang ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1.

Paalala pa ng DOH, tiyaking palagiang magsuot ng best-fitted face mask at hanggat maari ay manatili sa well-ventilated na mga lugar.

“Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster,” dagdag pa ng DOH.

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read