Maraming inilabas na alegasyon ang isang grupong tinawag na PUSO ng NAIA (PNN) laban sa privatization ng NAIA.
Mahirap paniwalaan lalo na at ang NAIA- Public Private Partnership o PPP ay hindi naman bunga ng isang negosasyon at sa halip, ito ay ‘competitively bid out’ ng Department of Transportation (DOTr) at PPP Center, kasama ang Asian Development Bank (ADB) bilang independent transaction advisor.
Lahat ng terms ay itinakda ng gobyerno at hindi ng sinumang bidder. Ang bidding at evaluation results ay nailathala at audited. Bawat hakbang ay sumasailalim sa DOTr at PPP Center oversight. Ang NNIC ay nanalo sa lakas ng alok nito na makapagbigay ng pinakamataas na ‘revenue share’ sa gobyerno na 82.16 percent, bukod pa sa nasunod lahat ng technical at financial qualifications.
Sa isang taon pa lamang mula pumasok ang NNIC ng September 2024, nakapag-invest na ito ng P3.25 billion sa upgrades sa ilalim ng P72-billion five-year plan.
Kasama sa mga improvements na nakumpleto o ginagawa pa ngayon ay: bagong chillers, feeders at substations ng Meralco; rehabilitated drainage, nilinis na waterways sa paligid ng NAIA na tumapos sa mga baha; upgraded airfield lighting, pavements at power systems; refurbished terminal interiors, mas maayos na Wi-Fi at immigration queuing; bagong escalators, walkalators, x-ray units at CCTV systems; automated parking system, centralized TNVS hub, at maayos na traffic flow; mas malawak na curbsides at mas maraming parking spaces; construction ng Terminals 4 at 5 at roll-out ng New Collins Biometric Passenger Processing System.
Ang Passenger Service Charges (PSC) na P550 sa international at P200 para sa domestic ay di nabago mula pa taong 2000. Ang bagong PSC rates ay aprubado ng gobyerno at sinuri ng ADB at hindi dinesisyunan ng NNIC lamang.
Sa kabila ng adjustments— P950 sa international at P390 sa domestic— ay mas mababa pa din ang real value kesa 25 years ago kapag ito ay inadjust sa inflation. Mananatili ang NAIA fees bilang isa sa mga pinakamababa sa Southeast Asia at kapantay ng pinatutupad sa Cebu, Clark, Davao, Iloilo at Bohol. Ang pagkakaroon ng ‘outdated rates’ sa loob ng 25 years ay pumilay sa abilidad ng NAIA na mag-invest sa maintenance at service improvements.
Hindi rin nalabag ng NNIC at MIAA ang ‘transparency rules dahil ang Independent Consultant engagement ay bahagi ng kontrata at ito ay magkakasamang binubuo ng DOTr, MIAA at NNIC, habang sinusunod ang required procurement steps. Walang paglabag at ang proseso ay patuloy sa ilalim ng government supervision at alinsunod sa PPP rules.
Malabo din na ang PPP ay ‘engineered” upang paburan ang San Miguel Corp. at si Ramon S. Ang dahil ang project ay naging bukas sa lahat ng qualified bidders, kasama na ang major conglomerates and airline companies. Ang pinamakataas ng share na 82.16 % at best technical offer ang nanalo at hindi mga personalidad. Ibig sabihin, ang Pilipino ay makatatanggap ng majority ng kikitain ng NAIA at ang mapupunta sa NNIC ay remainder lamang upang ma-recover ang mga gastusin at puhunan sa improvements.
Sa paliwanag ng airport insiders, “The NNIC offered both the highest revenue share and the largest projected return to government. The P911 billion expected remittance over the concession period far exceeds any competitor’s offer. Technical proposals were also rated superior in capacity, systems integration, and operations planning, making SMC SAP (NNIC) the clear and legitimate winner.”
“Contrary to claims that the public will be “milked for 25 years,” the public actually benefits the most. Government already received P57 billion in the first year (P30 billion upfront) while 82 % of revenues flow to government throughout the concession. Billions more in private capital are being spent on facilities — at no cost to taxpayers. This arrangement is the reverse of being “milked” as it protects taxpayers while modernizing NAIA using private funding and global best practice,” dagdag pa nila.
Mukhang hindi rin talaga kinakatawan ng mga umaangal na grupo ang tunay na airport workers at passengers dahil sa ilalim ng NNIC ay nakatanggap ang airport workers ng mas mabuting employment packages, benefits at safety standards. Mas maraming trabaho din ang nalilikha habang ang operations at new terminals ay pinalawak at ang mga tunay na users gaya ng mga pasahero, tenants at empleyado ay nakakakita ng ‘tangible improvements’ at hindi nagrereklamo mismo.
Kelan lang ay binuksan ang bagong Food Halls sa Terminal 3 kung saan siyam na Filipino restaurants ang nagsisilbi sa mga pasahero. Ang bagong OFW Lounge ay binuksan ng NNIC at nagbibigay ng libreng pagkain, drinks at pahingahan. Magbubukas din ng ganito sa Terminal 1 at exempted pa din ang OFWs sa international terminal fees at travel tax.
Ilan lamang yan sa mga pagbabago at marami pang parating. Kaya mahirap paniwalaan ang basta paninira dahil iba ang nakikita ng publiko.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.














