WOMEN DRUG GROUP ARESTADO SA MPD

Tatlong kababaihan ang dinakip ng Manila Police District-Police Station 9 sa isinagawang buy-bust operation,kamakalawa ng gabi sa harap ng Rizal Memorial Stadium sa Malate, Maynila.

Sila ay kinilala ni PLt Josephus Melpaz,ng MPD-PS9 na sina Arlene Parojinog, 46; Cristina Florendo,42 at Virginia Dela Cruz, 37.


Napag-alamang isang operatiba ang nagpanggap na poseur-buyer at nang magkaabutan ng dorga at bayad ay saka inaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng MPD.

Nasamsam ng mga pulis ang limang sachet ng shabu na tumitimbang ng 0.7 gramo at may street value na P4,760 at P500 marked money.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office. (Arsenio Tan)


Tags: Manila Police District-Police Station 9

You May Also Like

Most Read