Si Mayor Honey Lacuna habang ipiniprisinta ang suspect kasama si MPD Director Gen. Andre Dizon. (JERRY S.T AN)

LOLONG GUMAHASA SA 3 MENOR NA ANAK NG KALIVE-IN, NAHULI MATAPOS ANG 3-TAONG PAGTATAGO

Dahil sa diumano’y panggagahasa sa tatlong menor de edad na anak na babae ng kanyang kinakasama may tatlong taon na ang nakakalipas at kasama ang isang dalawang-taong gulang sa Tondo, arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 61- anyos na lalaki na tinaguriang ‘No.1 most wanted at itinuturing na pangalawang ama ng mga ito.

Ipinrisinta kay Manila Mayor Honey Lacuna ng MPD ang suspek na nakilalang si Gener Argales, alias ‘Lolo Gener,’ ng 2379 Tenorio corner Dagonoy Street., San Andres Bukid Maynila, kung saan nagpahayag ng sama ng loob ang alkalde, bilang ina.


“Alam niyo ho, bilang ina ay napakabigat po ang ginawa po niya dahil sa totoo lang, dapat nga po eh tinuturing niya nang parang tunay na niyang anak dahil sa kanya na po ipinagkatiwala bilang tumatayong ama ng tatlong bata”,ayon kay Lacuna.

Nabatid na naaresto ng mga pulis sa kanyang bahay sa Dagonoy ang suspek at nahaharap ito ngayon sa four counts ng acts of Lasciviousness at rape as amended by RA8353 in Relation to section 5 (b) RA 7610.

Napag-alaman na ang warrant of arrest laban sa suspek ay inisyu pa ng.korte noong Agosto 2019 at ang kanyang mga biktima ay magkakapatid na nasa edad 12, 6, at 2 na pawang anak ng kanyang ka-live in.


Nadiskubre ang panghahalay matapos na magsumbong ang mga biktima sa kanilang kapitbahay,kaya dumiretso ang ina ng mga bata sa pulisya at inireklamo amg suspek.

Nag-isyu ng warrant of arrest ang korte subalit nakapagtago na ang suspek hanggang sa maaresto ito kamakailan ng mga operatiba ng MPD. (Baby Cuevas)


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read