Natunton ng team tracker ng Manila Police District -Police Station 10 ang isang online tutor na wanted sa 29 counts ng qualified theft, kahapon ng umaga sa loob ng Quezon City Jail-Ligtas Covid Center and Quarantine Facility BJMP sa Payatas Road, Quezon City.
Nabatid na ang suspek na si Arianne Wayan y Ardon, 31, online tutor at residente ng 1041 Pandacan street, Pandacan Maynila, ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Quezon City Presiding Judge Maria Luisa Lesle G. Gonzales-Betic,ng RTC Branch 225 na may petsang Setyembre 29,2022.
Inatasan ng korte si Wayan na maglagak ng tig-P40,000 para sa 29 counts ng kasong Qualified theft ng Art 310 ng RPC.
Nabatid na ang suspek ay tinamaan ng COVID-19 at nagpapagaling pa sa nabanggit na pasilidad.
Nanatiling nasa pasilidad ang suspek habang inihahanda ang pagsumite sa kanya sa court of origin.