Makikita sa larawan ang mga tumumbang poste ng Meralco sa Binondo. (JERRY S. TAN)

TATLO SUGATAN, 7 SASAKYAN NASIRA SA NAGTUMBAHANG POSTE NG MERALCO SA BINONDO

By: Baby Cuevas

Tatlong tao ang nasugatan habang pitong sasakyan na nakaparada ang nasira pati na rin ang isang bisikleta at e-bike, matapos magtumbahan ang mga poste ng Manila Electric Company (MERALCO) sa panulukan ng Quintin Paredes at Ongpin Streets sa Binondo, Maynila.

Ayon Manila Police District -Station 11,kabilang sa nasugatan sina John Michael Acibar y Tigoy, 21, delivery boy, ng 106 Loudes St., Caloocan city ; Joffer Dolatre y Madronio, 32 ,negosyante at residente ng 647 Carvajal St., Binondo; at Beverly Balledo y Mabalda, 25 , eyelash tech, ng 015 San rafael St., Sipac, Almacem, Navotas City.

Ayon kay Adrian Masangkay y Yambao, 44, barangay tanod at taga 289 at taga 2311 Sulo St., Sta. Cruz, Maynila, napansin na lamang niya dakong ala -1 ng hapon na biglang natumba ang isang malaking poste at nagsunuran na rin ang ilan na kahilera nito at na nabagsakan ang mga nakaparadang sasakyan na kinabibilangan ng pitong kotse,isang e-bike \at isang bisekleta.M


Ayon sa sketchy report ng Manila Police District -Station 11,nangyari ang insidente bago mag-ala-1 ng hapon sa nabanggit na lugar.

Patuloy namang inimbistigahan ng Manila City Engineer’s Office sa pamumuno ni Engr. Armand Andres, ang sanhi kung bakit nagtumbahan ang mga nasabing poste.


Sanhi nito, ilang bahagi ng Binondo ang nawalan ng kuryente at kinailangang isara sa trapiko ang nasabing lugar.

Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy namang kinukumpuni ng mga tauhan ng Meralco ang mga bumagsak na kawad ng kuryente.(


Tags: Manila Police District-Police Station 11

You May Also Like

Most Read