Utak sa Percy Lapid slay makikilala na

Ihahayag na ng Department of Justice (DOJ) sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw pa ang “utak” sa pagpaslang kay broadcaster Percy Lapid.

Naniniwala si Roy Mabasa,kapatid ni Lapid o Percival Mabasa na malapit nang kilalanin ng Department of Justice (DOJ),ang mastermind sa pagpatay kay Lapid.


“Sa palagay ko nalalapit na tayo. Sa aming mga pag-uusap kanina, mukhang meron nang tinutumbok. Subalit I’m not at liberty to say to you kung ano ‘yung mga pangalan o pagkakakilanlan,” ayon kay Mabasa sa isang ambush interview.

Ayon kay Mabasa hihintayin niya na makumpleto ng DOJ, National Bureau of Investigation (NBI), at ng Philippine National Police (PNP) na makumpleto ang imbestigasyon.

Samantala,sinabi ni Mabasa na may karagdagan pang kakasuhan ng murder na sangkot sa pagpatay kay Lapid sa Biyernes hanggang Lunes.


“May mga murder cases na isasampa pero hindi ko pa alam ‘yung mga pangalan. Hindi ko pa mabanggit sa inyo dahil may ginagawa nga pong imbestigasyon ang NBI at ang PNP,” dagdag ni Mabasa.

Bago humarap sa media si Mabasa , nalaman na nagkaroon muna ng case conference sa pagitan ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla at NBI personnel kaugnay sa imbestigasyon.


“Kami naman ay nagpapasalamat sa NBI, at maging sa PNP sa kanilang mga ginagawang pagkilos upang malutas natin itong pagpatay sa aking kapatid at matunton kung sino po ‘yung mga nasa likod nito. Kasama na po ‘yung mga tinutukoy na mastermind,” giit ni Mabasa. (Philip Reyes)


Tags: Department of Justice (DOJ)

You May Also Like

Most Read