US ret. military, todas

Hindi na naisalba ang isang US Retired Military matapos na muling atakehin at isugod sa Manila Medical Center, kahapon ng madaling araw sa Ermita,Maynila

Kinilala ang biktimang si Curtis Lee Y Carter,80 at taga 1809 Leveriza St.Pasay City.

Ayon sa asawa ng biktima na si Nazzarina,55 una nang nakaranas ng paninikip ng dibdib ang mister at mataas na lagnat kaya ito isinugod sa pagamutan.


Nabatid na una nang dumanas ng mild stroke ang biktima noong Hunyo 27 at meron din itong diabetis at high blood.

Tumanggi na ang misis ng biktima na paimbestigahan ang pagkamatay ng mister sa panjniwalang ang komplikasyon sa dati nang sakit ang ikinamatay nito. (Jantzen Tan)

Tags: Manila Medical Center

You May Also Like

Most Read