Tsinoy, nagbaril sa sarili

By: Baby Cuevas

Patay ang isang 60-anyos na Tsinoy matapos na magbaril sa sarili, kahapon ng madaling araw sa may Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni PSMS Niño Baladjay, imbestigador ng Manila Police Disy-homicide section, ang biktimang si Juanito Rabanis Y Lim, government employee at residente ng 1887 Balaguer St. Sta. Cruz, Maynila.


Sa imbestigasyon, alas-2:10 ng madaling araw nang magbaril sa tiyan na tumagos sa likod ang biktima.

Nakarinig umano ng putok ng baril si Lolita Rabanis, kaanak ng biktima at nang puntahan ay nakita ni Rabanis ang biktima na nakaupo sa sofa at duguan.

Mabilis na isinugod ang biktima sa Chinese General Hospital pero hindi na rin umabot nang buhay.


Patuloy na iniimbestigahan ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang biktima.


You May Also Like