Latest News

Tsinoy, hinataw ng barbel steel bar, patay

PATAY ang isang 43-nyos na Tsinoy matapos hatawin sa ulo ng “barbel steel bar” ng kanyang nakaalitan, kamakalawa ng madaling aras sa Nazareno Street, Tondo, Maynila.

Idineklarang patay 1:07 ng hapon ang biktimang si Jervy Ang Y Ong, residente ng Unit 304 555 Juan Luna St.Tondo, habang nasa maayos nang kondisyon ang isa pang biktimang si Enrico Isip,38, ng 572 E.Carola St.Tondo na hinataw rin ng barbel steel bar ng suspek na si James Kenneth Caragdag,nasa hustong edad at taga 1969 Lorenzo St.Tondo at kasama nitong si alyas “June Has”.

Ayon sa imbestigasyon ni PSMS Dennis Suba ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente alas-2 ng madaling araw sa nabanggig na lugar.


Nalaman na bago ang insidente ay binisita umano ng mga biktima ang ama ng suspek na nakilalang si Alyas Toyo.

Inabutan umano ni Caragdag ang mga biktima sa kanilang bahay kung saan pinauwi ang mga ito


Hindi nagustuhan ng mga biktima ang ginawa ng mga suspek kaya nagkaroon ng mainitang pagtatalo kaya inawat ng mga taga-Barangay.

Nang umalis ang mga biktima,lingid sa kanilang kaalaman ay sinundan sila ng mga suspek at pagsapit sa Tenorio Street ay hinataw ni Caragdag ng barbel steel bar si Ang sa ulo at duguan itong bumagsak sa sementadong kalsada.


Gayundin,hinataw rin ng barbel steel bar si Isip at sinuntok pa ni June Has,bago tuluyang nagsitakas ang mga suspek.

Isinugod naman sa pagamutan si Ang pero hindi na naisalba ng mga doktor.

Patuloy naman pinaghahanap ang mga suspek para papanagutin sa krimen. (Philip Reyes)

Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read