Makikitang pinangangaralan ni Col. Ibay ang nakainom na driver na kinasuhan na sa piskalya. (TSJ)

Truck driver na nakainom, kalaboso matapos mambiktima ng Colonel

KALABOSO ang isang lasing na truck driver na dalawang beses nag-cut at nag-“dirty finger” pa kay Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) chief PLtCol Rosalino Ibay, nang sitahin dahil sa matulin niyang pagpapatakbo ng 60-footer van, kamakalawa ng gabi sa Road 10,Tondo,Maynila.

Na-korner rin ang driver na si Joel Alcaraz matapos na habulin nina Ibay at pigilin.

” This driver is not just reckless, but intentionally wants to harm other motorists,”ayon kay Ibay.


Nabatid na dalawang beses umano nag-cut ang suspek sa sasakyan ni Ibay na kanyang nakasabay at nang sitahin ay nag-dirty finger pa ito sa kanya at saka ipinagpatuloy ang matulin na pagmamaneho ng truck na may plakang NAP 6802.

Naganap umano ang insidente pasado alas-6 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Nang isailalim sa alcohol test sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), nabatid na lagpas sa limit si Alcaraz.

Sinampahan ng kasong driving under the influence of liquor o Traffic Law under RA 4136 at RA 10586 – An Act Penalizing Persons Driving Under The Influence Of Alcohol, Dangerous Drugs, And Similar Substances, And For Other Purposes” na kilala bilang “Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013” sa Manila Prosecutors Office ang suspek. (Baby Cuevas)


Tags: Special Mayor's Reaction Team (SMaRT) chief PLtCol Rosalino Ibay

You May Also Like

Most Read