Trike driver, binaril ng rider, patay

Dead on the spot ang isang tricycle driver matapos barilin sa ulo ng Isang motorcycle rider habang lulan ng kanyang motorsiklo,kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Si Rolly Marquez, 42, ay namatay noon din habang nakatakas naman ang suspek na di pa batid ang pagkakakilanlan hanggang ngayon


Lumitaw sa kuha ng CCTV ng Barangay 7 na pasado alas-12 ng hatinggabi, minamaneho ni Marquez ang kanyang tricycle nang tumigil ito sa Juan Luna St. dahil sa trapiko at doon ay nakita ang suspek na sakay ng motorsiklo na kaagad ring huminto.

Mabilis na bumaba ng motorsiklo ang lalaking suspek at bigla na lang binaril sa ulo ang walang kamalay-malay na biktima, na nahulog sa kanyang tricycle.

Kaagad na tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo at lumiko sa susunod na kalye at kalaunan ay narekober ng mga pulis ang inabandonang motorsiklo nito sa kanto ng Ylaya at Carmen Planas Streets sa Tondo.


Iniimbestigahan pa ng Manilla Police District -homicide section ang motibo ng pamamaslang. (Philip Reyes)


Tags: Manilla Police District -homicide section

You May Also Like