Transwoman, sabit sa ‘sextortion’

By: Baby Cuevas

ISANG ‘transwoman ang dinakip sa isang entrapment operation, matapos itong ireklamo ng “sextortion” ng lalaking naka-relasyon umano nito sa pamamagitan ng isang dating app.

Si alyas Nicz, 25, ng Urdaneta Street, Guadalupe Nuevo, Makati City at tubong Poblacion Tayum, Abra, ay dinakip kamakalawa hapon sa may 7-11 convenience store sa United Nation Avenue, Ermita, Maynila at kasalukuyang nasa kustodiya ng Manila Police District- Anti-Cybercrime Unit.


Ang entrapment operation ay bunsod ng reklamong iniharap sa MPD -Anti Cybercrime Unit ng isang 24-anyos na estudyante, na diumano ay hinihingan ng P10, 000 ng suspek kapalit ng video ng kanilang pagtatalik.

Nagkakilala umano ang biktima at suspek sa ‘Bumble dating application online,’ hanggang naging magkasintahan sila at personal na nagkita sa Makati City.

Sa kanilang pagkakaron ng sex, di alam ng biktima na nag-video ang suspek at ito nga ang ginagamit ng suspek upang kikilan siya ng pera.


Diumano, tinakot ng suspek ang biktima na ipakakalat ang kanilang sex video online kapag hindi nagbigay ng halagang P10, 000 ang biktima sa kanya.

Nang madakip, nakuha mula sa suspek ang isang Iphone 13 Pro Max at P10, 000 marked money.


Samantala, sinampahan sa Manila Prosecutor’s Office ang suspek mg kasong paglabag sa Art. 294 (Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons) ng Revised Penal Code at R.A. No. 9995 kilala bilang “Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009” pawang nasa ilalim ng Sec. 6 ng R.A. No. 10175 kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012”.


Tags: Manila Police District-Anti-Cybercrime Unit

You May Also Like