Arestado ng.mga tauhan ng Manila Police District-Police Station ang Top 2 Most Wanted Person sa kanilang istasyon sa isinagawang operasyon kahapon ng umaga sa may Muelle Dela Industria Street, Binondo, Maynila.
Kinilala ni PCapt Joselito delos Reyes.ng MPD-PS 11 ang suspek na si Jeffrey Bernardo,42, ng No. 931 Int. 5, Asuncion Street, Tondo.
Si Bernardo ay naaresto ala- 9 ng umaga sa nabanggit na lugar sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Manila RTC kaugnay sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.
Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Nakadetine ngayon sa MPD-PS 11 ang suspek habang hinihintay ang commitment order ng korte. (Philip Reyes)