Latest News

Pinangunahah nina Manila Mayor Isko Moreno (gitna) at nina (mula kaliwa) Totoy Uy, city electrician chief Randy Sadac, Congressman Yul Servo, Vice Mayor Honey Lacuna at city engineer Armand Andres ang pagpapa-ilaw sa kahabaan ng Quezon Bridge. (Jeremie Akizha)

TODO PAILAW SA QUEZON BRIDGE, BINUKSAN NINA MAYOR ISKO AT VM HONEY

TODONG pailaw ang binuksan ng pamahalaang- lungsod ng Maynila sa makasaysayang Quezon Bridge sa Ermita upang patuloy na makapagsilbi nang mahusay sa mga motorista at pedestrians.

Mismong sina Presidential frontrunner at Manila Mayor Isko Moreno, Mayoralty candidate at Vice Mayor Honey Lacuna kasama si Congressman at vice mayoralty candidate Yul Servo, ang nanguna sa naturang aktibidad.

Pinasalamatan naman ni Moreno sina city electrician Randy Sadac at city engineer Armand Andres sa pangangasiwa ng pagpapailaw na ayon sa kanya ay bahagi ng tuloy-tuloy na programa ng pamahalaang lungsod na pailawan ang mga kalye sa Maynila.

Ayon kay Moreno na siyang standard bearer ng partidong Aksyon Demokratiko, sa pamamagitan ng maliwanag na kalye ay umaasa siya na walang masasamang elemento na magtatangkang gumawa ng krimen.

Idinagdag pa ni Moreno na ang mga motorista at pedestrians ay mas ligtas lalo na sa gabi maging sila ay mula sa Maynila o dumadaan lamang sa Quezon Bridge, na ang opisyal na pangalan ay Manuel L. Quezon Memorial Bridge na mayroong apat na lanes para sa mga sasakyan, dalawa sa magkabilang bahagi. Ang bawat gilid ay mayroon din sidewalk para sa pedestrians.

Kabilang sa mga pangunahing lighting projects ng lungsod simula nang manungkulan si Moreno ay ang kahabaan ang Roxas Boulevard, Taft Avenue at Espana Boulevard.

Itinayo noong 1939, ang Quezon Bridge ay may kabuuang haba na 447 metro at ito ay combined arch at prestressed concrete girder bridge na tumatawid sa Pasig River sa pagitan ng Quezon Boulevard sa Quiapo at Padre Burgos Avenue sa Ermita.

Ayon kay Andres, ang nasabing tulay ay dinisenyo bilang Art Deco style arch bridge at kinuha ang inspirasyon mula sa Sydney Harbour Bridge sa Australia.

Ipinangalan ang tulay sa karangalan ni Manuel Luis Quezon, Pangulo ng Pilipinas noong ginagawa ang tulay. Ang nasabing tulay ay nasira noong World War II.

Muli itong itinayo noong 1946 at simula noon ay palagian na ito kinukumpuni at sumasailalim sa reinforcement at retrofits sa paglipas ng panahon dahil sa patuloy na paggamit nito at edad.
Napinsala din ang tulay noong sunog noong 2014 at ang huling major reconstruction nito ay noong 1996, dagdag pa ni Andres. (TSJ)

Tags: , ,

You May Also Like

Most Read