Atty. Princess Abante announces that the transportation strike was not felt in Manila. (JERRY S. TAN)

Tigil-Pasada, walang epekto sa Maynila

Walang epekto sa Maynila,ang ikinasang tansport strike ng iba’-tbang transport groups sa Maynila.

Ito ay kasunod ng pagtatalaga sa mahigit 300 sasakyan sa iba’t-ibang ruta na nagkakaloob ng libreng sakay sa publiko.

Nabatid kay Atty, Princess Abante, spokesperson ni Manila Mayor Honey Lacuna, na umabot sa 8,634 pasahero ang nag-benepisyo sa unang araw ng transport strike.


Patuloy naman na magbibigay ng libreng sakay ang lokal na pamahalaan ng Maynila hanggang sa Marso 11 sa pagtatapos ng transport strike.

Ito ay magsisimula alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at muli, mula alas-4 ng hapon hanggang alas -10 ng gabi.


Samantala, sinabi ni PMajor Philipp Ines,hepe ng Manila Police District -Public Information Office, na nananatiling normal ang situwasyon sa Maynila. (JERRY S. TAN)


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read