NAGSUMITE ng kanyang affidavit sa Department of Justice (DOJ), ang sa sa mga testigo ng Criminal Investigation and Detection Group(CIDG) kaugnay sa kanyang nalalaman sa pagkawala ng 34 sabungero.
Ang testigo ay sinamahan ng mga kaanak ng mga nawawalang sabungero sa DOJ,kahapon pasado alas 11 ng umaga.
Gayunman,sinabi ni Justice Secretary Mernardo Guevarra na wala pa siyang natatanggap na anumang detalye sa ginawang panunumpa ng testigo.
Nabatid na patuloy naman ang isinasagawan” parallel investigation” ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagkawala ng sabunhero.
Sinabi ni Guevarta na may makuha ng lead ang NBI na makakatulong sa pag resolba ng kaso ng nawawalang 34 na sabungero.
Naniniwala naman si Guevarra na magkakaroon ng positibing resulta ang imbestigasyon ng NBI at PNP.
“It is improbable is that 34 persons in strikingly similar situations would disappear without a trace,” dagdag ni Guevarra.
Una nang sinabi ni PCol. Jean Fajardo na magsasampa ng reklamo ang CIDG laban sa 6 hanggang 8 na na security offivers sa Manila Arena dahil sa pagkakasangkot sa pagkawala Marlon Baccay, James Baccay, Mark Joseph Velasco, Rondel Cristorum, Rowel Gomez, at John Claude Inonog noong Enero 13.
Nakita umano ang mga naturang security personnel na isinakay sa van ang nawawalqng mga sabungero.(Anthony Quindoy) Adik na stepdad, nang-molestiya ng 7-anyos paslit,arestado
Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 2,ang isang 22 anyos na adik na inireklamong nang molestiya sa isang 7 anyos batang lalaki na anak ng kanyang kinakasama,kamakalawa ng umaga sa may Baseco Compound,Binondo,Maynila.
Ayon kay PMajor Billy Ray Canagan,deputy station commander ng MPD-PS 2,inaresto ang suspek na si Ivan Madrigal at residente ng Baseco Compound Binondo, Manila matapos magreklamo ang ina ng bata.
Naganap umano ang insidente , alas 2 ng hapon noong Marso 9 , at nag viral rin ang video na may pamagat na :Viral Ngayon, Lalaki may ginawang kahalayan sa isang menor de edad na lalaki sa gilid ng DRAGON 8 MALL” na matatagpuan sa may C.M Recto Ave.,Maynila.
Isinailalim naman ang biktima sa Forensic Unit for Ano-Genital examination at matapos magpositibo na ito ay hinalay ay inaresto na ang suspek.
Sinampahan naman ng kasong paglabag sa R.A.8353 o Anti-Rape Law of 1997 ang suspek sa Manila Prosecutors Office.
Habang itinurn-over naman sa Department of Social Wlfare (DSWD) ang bata para sa counselling.
Pinuri naman ni MPD Director zpBGen Leo Francisco,ang mabilis na pag aksiyon ng kanyang mga tauhan. (Carl Angelo)