MAGHAPONG aktibidad ng iba’t-ibang uri ng sining ang ipinalasap ng pamahalaang-lungsod ng Maynila sa mga residente nito, kung saan binigyang-diin ni Mayor Honey Lacuna na ang ‘tattoo’ ay hindi masama kundii isa itong uri ng ‘art.’.
Sa pamamagitan ng proyekto nito na tinawag na ,”Obrang Manileño, ang Obra ng Bayan,” na ginawa sa Kartilya ng Katipunan, binigyan ng pagkakataon ng pamahalaang- lungsod ang mga artists, lalo na ang mga batang henerasyon, para mahasa ang kanilang pagiging malikhain sa pamamagitan ng malawak at iba’t-ibang uri ng medium of arts.
Ang nasabing event ay pinangunahan nina Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo, Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) head Charlie Dungo, Liga ng mga Barangay-Manila president, Councilor Lei Lacuna at Councilor Lou Veloso.
Sinabi ni Mayor Honey na ang mga aktibidad ay kinabibilangan ng ‘Tintang Manileno’ na nagtatampok sa tattoo artists; ‘LaraJuan’, photography; ‘Guhit Pinta’, paint artists; ‘Cine Manila’, films at ‘Sayawit’, kanta at sayaw..
Partikular na sinabi ng alkalde na layunin din ng naturang maghapong aktibidad na alisin ang ‘stigma’ na ang tattoo ay masama. Ito, aniya ay isang uri ng sining at katunayana, siya umano mismo ay mayroong tattoo.
Ayon sa lady mayor, intensyon ng city government na bigyang inspirasyon ang mga papausbong na tattoo artists at itampok ang kanilang gawa upang maipluwensiyahan ang ibang organizations at ibang lungsod na sundan ito.
Sinuportahan ni Councilor Lei ang mga nasabing pahayag at dagdag pa nito: “?In most of the regions in the country, tattoo is being stereotyped as PDLs or PWUDs and associated to discrimination. Manila as a City is rich in different culture cultivated throughout the years this is celebrated as a culture and art form.”
“The goal of ‘Tintang Manileno’ is to share their own stories as a tattoo artist and how they learn from the experiences of the thousands of people they meet and hear stories from,” dagdag pa ni Councilor Lei.